Chapter 01

228 5 0
                                    

Hindi mabilis ang pagpatakbo ko sa scooter ko. Sakto lang para makalingon din ako sa mga tindahan na madadaanan ko. Wala ding masama yung nag-iingat ka. Dapat ay tinutuun talaga ang atensyon sa kalsada. Mapaharap man o sa likod. Kahit anong pag-iingat kasi ang gawin ay madidisgrasya ka parin. Kahit pa mahina lang ang pagpapatakbo mo.

May mga nagsasara na tindahan ang mga nadadaanan ko sa may kalsada. May iba rin na 24/7 ang bukas. Gaya ng ibang grocery stores na hanggang umaga ang bukas pero may ibang tindahan ang nagsasara. Gaya ng mall.

Hindi naman malayo ang tinitirahan ko. Pero kalimitan nalang ang mga bahay na nadadaanan ko. Mga punong kahoy na ang mga nadadaanan ko papunta sa bahay.

Nakahinga ako ng maluwag nang makauwi ako. Kahit gaano pa kalayo ang pamilya ko sa akin ay tinitiis ko lang. Ang gusto ko kasi ay maranasan yung buhay na ako lang na mag-isa at hindi sa mga magulang umaasa.

Lumaki man ako na malapit sa pamilya pero gusto ko parin na mamuhay ng hindi umaasa sa kanila.

Binuksan ko ang gate sa may tapat ng apartment. Apartment talaga ang tinitirahan ko. May limang palapag siya at marami din ang kumukuha. Pero yung tinutuluyan ko ay binili ko sa may-ari. Wala pa sa isip ko ang bumili ng sariling bahay na may bakuran dahil ako lang naman mag-isa. Saka na kapag may sarili na akong pamilya. Sa ngayon ay ito lang muna.

Matipid kong nginitian ang security guard namin. Pinark ko ang scooter ko sa sarili kong space at pinatay ito. Kinuha ko ang helmet ko at pumasok na sa loob.

Sa tapat ng apartment ni Aling Mayta-ang landlady, ay may motel. Kaya hindi rin nakakatakot na tumambay na mag-isa sa labas. Exclusive din ang motel sa harap namin dahil marami ang kumukuha. Karamihan ay mga maperang tao. Mga matatanda na may karelasyon na bata. It's not my business but I'm thankful na hindi ako katulad ng mga babae na may sugar Daddy.

Masakit ang mga paa ko ng makatungtong ako sa pangatlong palapag. Hinihingal na ako kahit nasa third floor palang ako. E mabuti nalang at sa third floor lang ako. Ayoko sa fourth floor o sa huling palapag. Nakakahingal na. Ganito na yata kapag patanda na. Twenty-three palang ako pero parang fifty-three na ang katawan ko.

Naglakad pa ako papunta na sa apartment ko. Nasa west wing ako at nasa pinakahuli yun. Yun kasi ang pinili ko dahil mas maluwag ang space. At para iwas na rin sa kaliwa't kanan na hearing. Ayoko sa gitna dahil ayokong makinig sa ratratan ng mga kapitbahay ko. Gusto ko yung may personal ako na space. Sa katabi kong apartment ay may tumutuloy naman na magpamilya pero hindi sila yung araw-araw at gabi-gabi na nagrarambulan.

Gusto ko lang na may personal akong space para matahimik rin ang buhay ko. Kaya kahit malayo sa main downtown ang lugar na tinutuluyan ko ay worth it pa rin dahil nakikita ko yung dagat. Kung gusto kong mamasyal tuwing gabi ay naglalakad ako papunta sa boulevard ng Casagrande. May madadaanan din akong park pero karamihan ay may mga puno. Dumadami lang ang mga tao sa park na yun kung may Pasko o founding anniversary ng Casagrande.

Sa boulevard ay marami naman ang mga tao. Pero sa may boundary ng park ay hindi masyadong marami ang mga tao, sa east side kasi ay nandoon ang mga nagtitinda ng street foods.

Binuksan ko ang ilaw sa loob ng apartment ko nang makapasok ako. Pagod kong linagay ang helmet at susi ng scooter sa side table malapit sa pinto. Hinubad ko ang sapatos ko at pati medyas. Linagay ko sa shoe rack ang sapatos ko at linagay ko ang medyas ko sa laundry basket, sa laundry area.

One of the reason why I chose this apartment because of its wide space. Sabi ng landlady ay swerte ko daw dahil ito ang pinili ko dahil kapag nasa pinakahuli ay mga maluluwag ang space. At may sarili pa akong balcony sa gilid. Dalawang balcony pero hindi naman maluwag at hindi rin magkalapit. Yung balcony ko na pangalawa ay laundry area ko. Yung ibang tenant naman ay may sariling balcony sa likod pero laundry area na nila yun. Sa likod ng apartment ko ay wala na dahil nasa side.

Naghugas muna ako ng kamay bago nagpasyang magluto. I only cooked jeweled rice pilaf for myself. Hindi ako masyadong nagdadami ng pagkain dahil hindi ko rin naman mauubos kung marami. Kapag nandito ang pamilya ko ay marami akong niluluto at iba't ibang recipe pa yun.

Mabilis akong kumain dahil pagod talaga ako. Gusto ko ng isampa ang katawan ko sa kama at matulog. Masyado akong napagod kanina sa paggawa sa mga order. Bukas ay makakapahinga na naman ako sa wakas.

Kinabukasan ay mataas na ang araw ng magising ako. Alas syete palang ng umaga pero para sa akin ay mataas na yun dahil sanay akong magising ng mas maaga pa sa liwanag ng araw.

Bumangon na ako at inayos ang higaan ko. Tapos ay sinuklay ko ang buhok ko na hanggang sa dibdib. Tinalian ko ang buhok ko. Lumabas na ako at naghanda na para sa almusal ko. Dahil naisipan kong mag-experiment ng ibang flavor para sa cake ko ay mabilis ang kilos ko sa paghanda ng pagkain.

Tapos kong kumain ay inipon ko ang mga marumi kong mga damit para malabhan. Sa panahon ngayon ay madali nalang ang gumawa ng mga gawain bahay. Linagay ko sa washing machine lahat ang mga damit ko. Wala naman akong sinuot na puti kaya easy lang ang paglaba. So instead na hintayin ko yung mga labahan ko na matapos ay naglinis ako ng banyo.

Alam ko lahat na mga gawaing bahay. Kaya nga ako naglakas-loob na manirahan ng mag-isa dahil kaya kong buhayin ang sarili ko. Hindi ako pinalaki na tamad ng mga magulang ko.

Lahat na mga gawain ko sa bahay ay tinapos ko agad ng dalawang oras. Hindi naman mansyon ang apartment kaya hindi gaano karami ang lilinisin. I took a bath when I'm done cleaning my apartment. Pupunta pala ako sa grocery store para bumili ng mga ingredients sa gagawin ko mamaya.

Hinintay ko muna na mag-alas dyes bago ako umalis ng apartment. Nagpahinga muna ako para may energy pa ako sa gagawin ko mamaya. Oorder nalang ako ng pizza kapag magutom ako mamaya. Minsan sa isang Linggo ay pizza ang ginagawa kong dinner. Dalawang box ay solve na ang gabi ko. Ako lang naman ang kumakain.

Pinatay ko ang tv pagpatak mismo ng alas dyes. Kinuha ko ang flat na sandalyas sa rack. Kinuha ko na rin ang wallet ko at linagay sa bulsa ng aking maong na shorts.

Hindi masyadong mainit ang panahon ngayon. Malaking ngiti ang ginawad ko sa langit dahil sa perpektong panahon na binigay Niya. Parang nasa Korean drama lang ang weather. Malamig at malakas ang ihip ng hangin, ang araw ay medyo natatakpan ng manipis na mga ulap.

Sa grocery store ay naghanap agad ako ng lemon sa fruits section. I wanna make a lemon cake. Wala pa kaming ganun sa coffee shop at gusto kong itry yun. Puro chocolates at strawberry shortcake ang sold out namin. Gusto kong matry yung ibang flavors. May ube, mocha, at coffee flavor naman kami at parehong sold out pero gusto ko pa rin na gumawa ng ibang flavor na bago sa panlasa ng iba.

Kumuha ako ng 20 pieces na lemon fruits. Nabighani din ako sa green apple na mukhang kade-deliver lang. Kumuha muna ako ng isa at inamoy. Hmm, ang sarap ng amoy. Kumuha ako para may snack ako mamayang gabi.

Nasa pang-anim na kuha na ako ng apple nang may humawak din sa apple na kukunin ko. Mabilis kong binalingan ang tao na may ari ng kamay na nakapatong sa kamay ko. Tumingin din siya sa akin. Malamig ang tingin niya sa akin na parang papatay siya ng tao.

Para walang away ako na ang bumitaw sa apple kahit ako naman ang unang nakahawak.

"Sige. Sayo nalang yan." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Ayokong tumingin sa taong hindi ko kilala lalo na't ang sama ng tingin sa akin.

Hindi siya sumagot at sinunod ang sinabi ko. Umalis siya pagkatapos kunin ang apple. Nagtaas ako ng kilay dahil isang apple lang ang kinuha niya. Napatingin ulit ako sa kanya. Pero nakatalikod na siya sakin. May tulak na cart pero hindi ko alam kung ano ang binili niya, kung puno ba o hindi ang cart.

Nawindang ang utak ko sa lalaki na yun.

Umiling nalang ako sa aking sarili at itinuon nalang sa pagkuha ng ibang prutas na gusto ko.

Paglabas ko ay agad akong nagtungo sa scooter ko habang bitbit ang dalawang paper na may laman ng mga pinamili ko. Pero mabuti nalang at may dala ako na bag na pampalengke, na bigay ni Mama sa akin noong bumisita siya sa akin noong Pasko. May kalakihan din yun at linagay ko ang dalawang paper bag sa bag. Eksakto at kuntento ako nang makita na kasya ang dalawang paper bag sa iisang bag na pampalengke.

Habang sinusuot ko ang helmet ko ay nakita ko na naman ang lalaki kanina sa loob ng grocery store. Akala ko ay umalis na siya, hindi pala. Sa kabilang side siya dumaan.

Nagfocus nalang ako sa helmet ko para makauwi na ako. Mukha pa namang suplado ang lalaki na yun. Hindi ko na siya ulit tinignan dahil lumiko na rin siya doon sa eskena.

Don't Look At MeWhere stories live. Discover now