Prologue

378 8 0
                                    

Isang malakas na hiyaw ang bumulabog sa natutulog kong isip. Isang grupo ng mga studyante ang nasa pinakagilid ang nakita ko na nagkukulitan. Akala ko kung ano na. Malalim akong bumuntong hininga at bumalik sa pagkakaupo sa may counter.

"Ma'am."

Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Si Millie ay lumapit sa counter.

"Kami na po ang bahala dito sa labas. Magpahinga na po kayo." Sabi niya sa pagod na boses.

Maaga kaming nagbukas kanina ng shop dahil marami kaming order kaninang umaga. May customer kasi akong ikinasal kaya naparami ang paggawa namin ng mga cake at cupcakes. Alas dos palang ng madaling araw ay nandito na kami. Hindi rin kami pwedeng hindi magbukas ng shop dahil marami kaming mga customer na pumupunta dito.

Tinanguan ko si Millie at sinunod ang kanyang payo.

Si Millie ang humalili sa akin sa counter. Ako naman ay pumunta sa loob ng opisina ko.

Pagod akong umupo sa sofa. Gusto ko ng magpahinga at irelax ang katawan. Inaantok na rin ako.

7:30 ang sara namin sa coffee shop. Kapag pumatak na ng alas singko ay parami ng parami ang mga tao na pumapasok sa shop kaya minsan ay hindi kami nakakauwi agad. Pero kapag seven-thirty na ay bawal na talaga. Oras na yun para makapagpahinga na rin kami ng mga trabahador ko.

Umidlip muna ako sa loob ng opisina ko. Hinihintay ang oras na lumampas. May isang oras pa bago kami magsara. Pwede naman akong umuwi kaya lang ay naaawa ako sa mga stuff ko kung iiwan ko sila dito.

Nagising ako sa katok ni Millie. Nakapikit pa ang mga mata ko ng umupo ako sa maliit kong sofa.

Napaigik ako dahil sa naramdaman kong sakit sa aking leeg. Pinagkasya ko lang kasi ang sarili ko sa maliit na sofa. Maliit lang ang espasyo ng opisina ko kaya para saan pa at ipagkakasya ko yung mga malalaking sofa sa loob nito.

"Ma'am, magsasara na po ba?" Sumilip si Millie.

Hinipuan ko muna ang leeg ko bago tumango. "Sige. Paki sabi narin kay Julio na isara na rin ang stock room."

"Opo." At sinara ulit ni Millie ang pinto.

Pinaikot ko ang aking leeg at muling minasahe. Ito ang nangyayari kapag sa sofa ka natutulog, at hindi rin mas malaki kaysa sa mga mamahaling sofa.

Kuntento naman ako sa kung ano ang mayroon ako. Mag-isa lang naman ako. Pero hindi literal na mag-isa dahil may parents pa naman ako. Independent ako na tao. Hinahayaan na ako ng mga magulang ko kung ano ang gusto kong gawin sa buhay.

Pareho kaming nandito sa probinsya. Pero hindi kami magkapit-bahay. Nasa El Paso sila samantalang ako ay nandito sa Casagrande. Hindi rin ako nag-aalala sa sekuridad nila. Nandon naman ang kapatid ko. May sariling pamilya na rin at ang maganda dun ay malapit lang ang bahay nila kina Mama at Papa.

Sa Casagrande ko pinili na magpatayo ng coffee shop. Yung mga ipon ko sa pagsasali sa running contest ang ginamit ko sa pagpapatayo sa sarili kong coffee shop. Syempre noong nag-aaral pa sa college ay lagi akong suma-side line kapag vacant time ko. Gumagawa ng mga kakanin at binibenta sa school. Nakakarami ako ng kita dahil sa school ko ay marami ang bumibili.

Hanggang sa maka-graduate ako ay malaki ang kita ko. Hindi naman ako nag-aalala na baka tuksuhin ako ng mga schoolmates ko. Hindi naman kasi ako tinatablan ng tukso. Para sa akin, ka-childishan na yun. Mga immature lang ang gumagawa ng bullying.

Tumulong din sa akin sina Papa na ipagawa ang maliit kong shop. Hindi naman malaki ang espasyo sa shop ko. Sakto lang kasi ang pera ko. Pero kapag nakaipon na ako ay pwede na akong magpadagdag ng space. Sa labas ay may pinalagay akong mga upuan at mesa. Para kapag puno sa loob ay pwede sila sa labas. May masisilungan naman doon sa labas.

Don't Look At MeWhere stories live. Discover now