Chapter 13

131 1 0
                                    

Hindi ako mapakali. Mas lalong hindi talaga ako mapakali dahil hindi matanggal sa isip ko si Loren. Kanina pa ako balisa dito sa loob ng apartment ko. Kakarating ko lang galing sa taas—sa apartment niya. Ang malas pa dahil sa taas pa talaga siya. Dapat sa west wing nalang siya kumuha kung gusto niya dito sa green house.

Tapos anong sabi niya? Mas madali nalang siyang kukuha ng pagkain? Anong ibig niyang sabihin? Na kukuha nalang siya ng pagkain dito sa apartment ko ng basta-basta lang? Ano siya sinuswerte? Ang yaman-yaman niya tapos papatol siya dito sa green house?

Hay naku talaga! Ang lupit talaga ng kapalaran. Paano ako matatahimik niyan eh nandito ang damuhong yun? Kung sana ay ako lang si Super girl at kayang-kaya ko siyang itapon papunta sa ibang planeta para hindi ko na siya makita pa at para matahimik na rin ako.

Pasalpak akong umupo sa sofa. Umingit pa nga ang sofa ko dahil sa bigla kong pag-upo. Paano na niyan? May lahi pa naman ang isang na palengkero.

"Bwisit kasi na lalaki na yun. Same age lang kami pero ang isip-bata niya. Saan kaya nagmana ang lalaki na yun?" Normal edi sa parents niya. Hindi ko pa alam ang tungkol sa parents niya at hindi ako nagtatanong sa kanya.

Para akong tanga na bulong ng bulong mag-isa. Kung hindi lang ako half na naaawa sa kanya ay baka sinapak ko na siya. But I won't do it. Hindi ko ugali na manapak na lame lang ang reason. Baka kasuhan pa ako ni Loren. Sa yaman palang niya ay baka maapektuhan pa ang mahal kong coffee shop.

Gusot ang mukha ko nang mabungaran ko ang pagmumukha ni Loren kinabukasan. Hindi siya nakangiti sa akin. Ba't naman ako umaasa sa ngiti niya sa umaga?

"Ang pangit naman ng umaga ko." Parinig ko sa kanya. The devil just pouted his florid lips.

"Minsan ka lang makakita ng anghel tapos sasabihin mo na ang pangit ng umaga mo? You're so heartless Northern Valerro." Ay ewan ko sayong hinayupak ka.

Linagay ko ang isang kamay ko sa likod ng pinto para hindi mabukas. Alam ko na may kailangan 'tong Loren na ito. Hindi siya papanhik dito sa baba kung wala siyang kailangan sa akin.

"Oh anong kailangan mo sa akin ha? Ang aga-aga mong mambulabog." Hindi tuloy ako nakapagligpit sa loob ng kwarto ko. Nakapaghilamos lang ako at nakapag-toothbrush pero yung buhok ko talaga, hindi ko naisuklay. Tinali ko nalang agad dahil akala ko kung sinong importante ang kumakatok sa pinto.

May tinaas siyang plastic bag at pinakita sa akin. Nagtaas ako ng kilay. So? Ano naman ang gagawin ko niyan?

"Aanhin ko yan? Kung magdadala ka ng basura dito please lang, 'kaw nalang ang magtapon. Huwag kang mahiyang bumaba dahil alam ko naman na wala kang hiya." Walang pakutsaba kong sabi sa kanya.

Namula yung tenga. Psh, parang babae lang.

"Magpapaluto ako ng tteokbokki. Diba may alam ka naman sa pagluluto? Ipagluto mo ako dahil nagugutom na ako." Makautos naman ang isang 'to! Akala mo hari! Akala mo pinapaswelduhan niya ako!

"Hindi ka ba marunong magluto?" Kunwa'y tanong ko.

Curious lang ako. Malay ko ba kung marunong pala itong loko na ito magluto. May mga mayayaman naman na marunong magluto. Hindi pa nga kumukuha ng cook eh. Baka itong si Loren ay pinagloloko lang ako. Siyang mahahambalos ko siya ng dospordos.

Nagkibit-balikat lang siya at pinilit na inaabot sa akin ang plastic bag na dala niya. Mga ingredients siguro. "May chef kami. Bakit naman ako magluluto? We have enough money para magbayad para sa kanila." That shut me up. Okay. Sila na ang may chef. Kami kasi sa bahay, turno-turno kong sino ang magluluto sa umaga, tanghali at hapon. Sali na yung snacks kapag tinatamad kaming bumili ng tinapay sa bakery.

Don't Look At MeWhere stories live. Discover now