Chapter 19

98 1 0
                                    

Ngising-ngisi si Cyril habang nakatingin sa aming dalawa ni Loren. Nakakaasar lang dahil ang akala niya siguro ay boyfriend ko talaga si Loren at hindi ko lang inaamin.

Nakakainis din si Loren dahil pumayag pa sa paanyaya ni Cyril. Heto ako ngayon sa loob ng apartment nila at niyaya si Loren na magkape. Parang hindi nagkakape si Loren sa apartment niya. Hay naku talaga, nakakaasar.

"Alam mo Loren. Ngayon palang kami nakakita ng asawa ko na may kasama si Nona na lalaki. Tapos gwapo pa na kagaya mo." Hindi na nahiya si Cyril sa asawa niya. Baka magselos pa si Ralph niyan.

"Oo nga naman. Tapos ay dito ka pala nakatira sa green house. Okay yun pare, para may kasama si Nona. Hindi naman kami palaging nagkikita kahit taga-rito lang kami dahil busy din kami ng asawa ko." Aniya'y sabi ni Ralph.

Isa din itong kulto na ito. So pinagdidiinan talaga nila na boyfriend ko si Loren. Mga utak talaga ng mga ito oh.

Si Loren naman ay umiling lang at saka ngumisi. Hindi manlang pinagtatanggol ang sarili. Ako na yung naiipit sa dalawang kaibigan ko.

"Wala ba talaga kayong relasyon ni Nona? Kasi, todo tanggi siya na kesyo kaibigan lang kayo." Pinandilatan ko talaga si Ralph dahil ang daldal na niya.

Napatingin ako sa reaksyon ni Loren. Marahan siyang umiling. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman.

"Tama si North. We're not in relationship. Hindi pa kami napupunta sa ganung stage." Ano ang ibig sabihin niya?

Kita ng dalawang mata ko kung paano kumislap ang mga mata ng mag-asawa. Si Loren ay napatingin na rin sa akin. Mukha akong balisa pero hindi ko lang pinapahalata.

"Kayo kasi mga malilikot yung mga imahinasyon niyo. Regular customer ko lang talaga si Loren sa shop ko dahil madalas siyang nandun." Panangga ko sa aking sarili.

"Ah madalas talaga. Siguro magandang kumain doon sa coffee shop ni Nona ano mahal dahil may magandang tanawin." Pinan-ikotan ko talaga ng mata si Cyril dahil sa mga walang kabuluhan na pinaparinig niya.

Kinulit nilang mag-asawa si Loren. Ang daming tanong tungkol sa buhay niya. Hindi manlang ako makasingit sa usapan dahil kada pagsasalita ni Loren ay sinusundan pa ng isang tanong.

"Ah 23 ka na pala. Pero mabuti nalang at nagpatuloy ka sa pag-aaral. Yang si Nona kasi ay natuturn-off sa mga lalaking hindi edukado." Si Cyril. Nagtanong kasi siya tungkol sa edad ni Loren hanggang sa nabanggit ni Loren na nag-aaral pa siya.

"Really? Mabuti nalang pala." Sabi ni Loren sa malamyos na tono.

Nakatingin ulit siya sa akin na may paghahanga. What now?

"Sorry nga pala doon sa dalawang yun. Ganun lang talaga sila, hindi masyadong makulit no?" Sarkasmo kong sabi.

Natawa naman si Loren. "It's okay. Minsan lang naman siguro silang magtanong patungkol sa ibang bagay diba?"

Tumango ako.

Hindi kami pinakawalan ng dalawang mag-asawa kung hindi talaga sila satisfied sa sagot ni Loren. Naaawa din ako kay Loren dahil minsan ay hindi siya nakakasagot sa ibang tanong. Kaya sinasalo ko nalang siya. Ako nalang ang sumasagot sa ibang tanong nina Cyril.

"Nona?" Nagulat ako dahil sa pagtawag niya sa palayaw ko.

"Hmm?" Papunta na kami sa east wing nang huminto kaming dalawa.

"So Nona pala ang nickname mo?"

"Bakit?"

"Wala naman." Tapos ay nagpatuloy na siya sa paglakad.

Don't Look At MeWhere stories live. Discover now