Chapter 46

57 2 0
                                    

Mainit ang pagsalubong ko sa parents ko nang bumisita ulit sila sa apartment ko. Harvest season na ng palay kaya napadalaw na rin sila para ibigay kay Loren ang inoorder niyang limang sako. Pero wala si Loren sa apartment nung dumating ang sina Mama dahil may pasok siya. Intern na si Loren. Nasa Manila siya do'n mismo sa kompanya niya siya nag-intern. Yung kapatid niya ang nag-request na pumunta siya do'n.

Binigay lang niya sa akin ang credit card niya para makapag-withdraw ako ng pera. Wala siyang cash na iniwan sa akin kaya wala na akong ibang choice kundi ang mag-withdraw. Yung para sa bayad lang ng palay ang kinuha ko. Kahit may tiwala sa akin si Loren sa pera niya ay hindi ko pa rin gagalawin ito dahil wala akong karapatan. Girlfriend palang naman niya ako, hindi asawa.

"Tumatawag ba yung nobyo mo sayo?" Usisa ni Mama.

Magalang akong sumagot kay Mama. "Oo naman Ma. Kanina nga lang umaga ay tumawag yun sa akin. Working hours niya ngayon kaya hindi kami nagkakausap."

Sa gabi naman ay dalawang oras kaming nag-uusap sa cellphone. Ako na yung nangungulit sa kanya na itigil yung tawag para maaga siyang magigising.

"Kapag Sabado o Linggo ay oras-oras ang tawagan namin. O hindi kaya ay magchachat nalang siya sa akin kung hindi ko sinasagot dahil sa trabaho." Dugtong ko.

Alam ko na strikta si Mama sa akin pagdating sa akin. Si Papa ay strikto din pero usisero naman. Si Mama ay siya mismo ang magtatanong sa akin kung anong klaseng lalaki ba ang boyfriend ko ganun.

"Ilang weeks nalang Ma at uuwi na yun dito sa Casagrande para makapag-graduate. Sa June na yung graduation nila. Siguro mga first week ng June."

"Sabihin mo sa boyfriend mo na pupunta kami dito sa araw ng graduation niya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Mama. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan sa kanya. Siguro ay aprobado na si Loren kay Mama. Ewan ko lang kay Papa. Magugustuhan din ni Papa si Loren. Kunting pa-impress ni Loren kay Papa at madadala na niya yun. Lalo na't mahilig si Papa sa tequila.

Nagluto si Mama ng ulam para sa lunch namin. Uuwi din sila mamayang hapon. Si Kuya na ang susundo sa kanila mamaya. Tinext ko rin si Loren na nandito na sina Mama at yung limang sako ng bigas. Bigas nalang yung binigay nina Mama. Limang sako. Siguro ay sampung sako ng palay. Malaki ang binayad ko kay Papa. Pero 2k lang ang hiningi niya dahil libre na yung pagpapagiling sa mga palay para maging bigas.

North:
Loren, 2k lang ang hiningi ni Papa dahil libre na daw yung pagpapagiling. Ayaw ni Papa tanggapin yung 10 thousand na gusto mo.

Loren:
Why? Bakit ayaw tanggapin ni Tito? Di bale. Pag-uwi ko papakiusapan ko si Tito. Or buy some gift for him? Cartier watches, okay lang ba yun?

North:
Naku Loren! Huwag mong ma-spoil ang parents ko. Malalagot ka sa akin.

Loren:
Hindi naman. I know how to stand with your Dad. By next week nandyan na ako. Nakakapagod na dito. And I also miss you so much.

North:
Good luck diyan. Take care rin.

Pinatay ko na ang cellphone ko at linagay sa ibabaw ng night stand. Sinabayan ko sina Mama na kumain. Kanina pa din nila ako tinatawag. Nagsabi na rin ako sa kanila na uuwi na si Loren sa susunod na Linggo. Matatapos na rin ang working niya sa kompanya ng Kuya niya.

PagLunes ay inimbitahan ako ng kaibigan ko na pumunta sa launching ng bar niya dito sa Casagrande. Bagong-bago yung bar niya at wala pang kakompetensya. Hindi gaya ng akin na mayroon na. Pero malayo sa school ko. Nasa may boulevard siya. Sa ngayon ay wala pa akong plano na magtayo ng isang branch. Magpapadagdag muna ako ng bagong space sa coffee shop ko para maraming maidagdag na mga mesa.

Don't Look At MeWhere stories live. Discover now