Chapter 03

172 5 0
                                    

"Tali may mga orders ba tayo sa Sabado?" Tanong ko kay Tali na abala pa rin sa pagpupunas ng mesa.

"Ah hindi naman po Ma'am. Sa Wednesday pa po yung order ng isang customer na may wedding anniversary." Napatango ako. Tinignan ko ang calendar namin para masiguro ko kung wala kaming mabigat na trabaho sa Sabado.

Kinuha ko ang invitation card na bigay ni Andy sa akin kanina. Kung pwede lang sana na hindi ako pumunta doon. Pero baka magtampo si Andrea sa akin. Matampuhin pa naman ang isang yun. Dapat go talaga ang sagot mo kapag may gala.

Suminghap ako at binaba ang invitation card. Sinuksok ko na ulit sa aking bag. Tinulungan ko sina Millie na magligpit. Magsasara na kami nang may pumasok na customer. Walang problema kung may pumasok pa dahil nagpupunas palang ng mesa sina Sonha. At ako naman ay kinukuha ang kita sa kaha.

"Ano po ang order niyo sir?" Walang buhay kong tanong. Binalik ko ulit ang pera na nakasalansan sa kaha.

Tinignan ko ang lalaki. Nakakunot ang noo at halos hindi na makita ang kilay dahil natatakpan ito ng kanyang buhok.

"Can I have cashew nuts cheesecake?" Walang buhay din niyang sabi.

Tumango nalang ako at iniwas ang tingin dahil bigla siyang nagbaba ng tingin sa akin. Problema niya? Inayos ko yung order niya para makaalis na siya sa harap ko. Bastos mang pakinggan pero hindi kasi maganda ang tingin niya sa akin. Naiirita ako at naiilang.

Nang maibigay ko ang order niya ay mabilis din siyang nagbayad. Ngayon ay cash na. Buti naman para hindi ako malula sa black card niya.

Nagpalitan kami ng tingin ng maibigay ko sa kanya ang card. Mas sumama ang kanyang tingin at kumunot ang noo. Kinagat ko ang dila ko dahil baka bigla akong magsalita na hindi niya magustohan. Mahirap na. Kailangan hindi pangit ang image ko sa mga customer. Hindi lalago ang business ko nito kung magpapa-apekto ako sa lalaking ito.

"Madam alis na po kami." Paalam nina Sonha sa akin.

Pinaandar ko ang scooter ko. "Sige, ingat kayo ha." Paalala ko rin sa kanila.

Sabay kaming umalis para makauwi. Dumaan muna ako sa Shoppers para bumili ng sanitary napkin. Medyo hindi maganda ang lagay ko ngayon. Kanina pa 'to actually, hindi ko lang pinapansin dahil bukod sa maraming ginagawa ay palagi ring nasa isip ko ang birthday party ni Roah.

Hindi pa kasi ako nagkakaroon ng period ngayong buwan kaya mabuting prepare. Hinanap ko kung saan nakahelira ang mga sanitary napkin. Pagliko ko sa susunod na section ay nabangga ako sa matigas na pader. Mali, hindi pala pader dahil sa katawan ng tao pala ako nabunggo.

"Ay sorry po. Hindi ko po alam na may tao pala. Sorry." Agad kong hingi ng tawad. Pag-angat ko ng tingin ay ang nakakunot na noo na lalaki ang nabungaran ko.

Napamura ako sa aking isip. Akalain mo nga naman ang tadhana oh. Dito ba naman sa shoppers ay magkikita kami? Hindi ko inaasahan 'to. Assuming ako kung iisipin ko na sinusundan niya ako. Pero hindi naman malaki ang Casagrande para hindi kami magkakitaan. Yung mag-ex nga kahit parehong nakamove-on. Itong ganitong eksena pa kaya na hindi talaga naman kilala ang isa't isa?

Customer ko siya pero hindi ko masasabing regular dahil hindi naman siya araw-araw pumupunta sa coffee shop. Tinignan niya lang ako ng masama. At ayokong magtagal sa masamang tingin niya ay tumalikod na ako. Ayoko lang na magsalita ng masama sa kanya. Big time pa naman siya at siya lang ang customer sa shop ko na may black card.

"Miss." Tuloy-tuloy lang ang lakad ko. "Miss. Miss!" Palakas ang boses. Lumingon ako sa kanya na may pagtataka. "I think you've got a stain on your pants."

Napahawak ako sa likod ng pantalon ko. Paghawak ko ay medyo basa ang pants ko. Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Bakit ngayon pa?! I tried to pull down my shirt just to cover stain on my back. Pero walang kwenta dahil hindi mahaba ang suot kong shirt.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon