Final Chapter

943 39 13
                                    

M A F I A  S E R I E S #1
P E T U N I A (Meisie & Isaiah)



Final Chapter



"Are you ready, Meis?" The stage director asked me.



Lalabas na ako sa stage pero nanatili ako sa likod at naghihintay lamang ng signal.



"I'm ready, direk." I answered back thru my earpiece.



Napatingin ako kay miss Kathy na nasa kaliwang gilid ko lamang. Nakangiti sya pero kita sa mukha nya ang nerbyos. Hindi ito ang unang concert ko, pero mas nakakakaba nga ito dahil ito na ang huli.



Kung laging one hundred and ten percent best ko ang ibinibigay ko sa bawat performance ko, dapat ngayong gabi ay two hundred and ten percent na. I should give my fans what they deserve for the last time.



"Good luck." Miss Kathy mouthed.



I nodded while smiling at her.



"Alright. We're going to start the countdown..." The director announced to me and to the staffs.



Huminga ako ng malalim kasabay nang pagsisimula ng countdown.



"10"



"9"



"8"



Sa bawat bilang ay palakas ng palakas ang hiyawan ng mga taong nagpunta sa farewell concert ko.



"7"



"6"



"5"



"4"



"3"



"Are ya'll ready?!!!" I screamed and the people became more louder.



"2"



"1"



Kasabay nang pagtapos ng countdown, bumukas ang mga ilaw, nagsimula narin tumugtog ang DJ. Paglabas ko mula sa LED background wall, bumukas ang indoor pyrotechnics at special effects sa stage na mas lalong nagpa-excite sa mga manunuod.



Nagsimula akong kumanta at sumaway ng latest song ko bilang opening. Kasunod na noon ang dalawa ko pang kanta saka ako bumati sa aking mga fans.



Hindi naming sinabi na last concert ko na ito, pero binibigyan ko sila ng kaonting hint sa aking social media accounts kaya ang iba siguro sakanila ay may ideya na.



"Are you enjoying the show, guys?" I screamed, again.



Tuwang-tuwa ako nang naghiyawan sila ng sobrang lakas, hindi na maintindihan ang mga sagot nila sa tanong ko.



"Grabe sobrang energetic nyo naman. Dapat nandito din kayo sa stage kasama ko mag-perform eh. Kasu baka sumuko ang stage sa sobrang dami natin." I laughed and my fans also laughed with me.



"The show is just getting started, guys. We prepare a lot more for all of you. Gusto nyo ba 'yon?!"



"Yess!"



"Hooo! We love you, Meisie!"



Nakakabingi ang sigawan ng mga tao, pero ito ang mas nagbigay sa akin ng energy.



I'm going to perform eight songs tonight, and before my last performance, I'm going to tell my fans the real purpose of this concert.



Mafia Series 1: PetuniaWhere stories live. Discover now