Chapter 2

824 34 1
                                    

M A F I A  S E R I E S #1
P E T U N I A (Meisie & Isaiah)



Chapter Two



When I gained my consciousness, my eyes and mouth are covered. I can also feel that my hands and feet are tied.



Where am I? Who did this to me?



Ang daming tanong sa isip ko, pero isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, ang makataas mula dito kung nasaan man ako...I knew from the start that I'm in danger.



Wala akong maisip na pwedeng gumawa nito sa akin, hindi din naman siguro ito magagawa nang media para lang malaman ang side ko. Pero nang maalala ko ang tungkol sa issue na kumakalat ngayon, posibleng mga die hard fans ni Kylo ang gagawa nito. Balita ngayon na ako ang bago nyang girlfriend, pero mabilis naman iyong nadeny ng agency ko. Magagawa ba talaga nilang kidnapin ako dahil lang doon?



Well, you're here now, Meisie. You've been kidnap!



Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng ilang mga tao. Sila ba iyong mga lalaki na kumuha sa akin? Sinusubukan kong kumawala sa pagkakatali sa akin pero sobrang higpit.



"H'wag ka nang pumalag, miss. May itatanong lang naman kami sayo eh..." Sambit ng isang lalaki.



"Tanggalin mo na kaya iyong tape sa bibig nya para makasagot sya sa mga tanong natin..." Another man said.



"Eh paano kung sumigaw 'yan?"



"Nandito tayo sa mansion ni boss, walang makakarinig kahit anong sigaw nyan."



Boss? May boss sila? Iyon ba ang nagpakidnap sa akin? What is this, somekind of Mafia clan?



Oh my god!



I've only heard about them once, but everyone who lives on the west side knows this Mafia clan. They called themselves as Petunia Clan...pero anong kinalaman ko sakanila at kinidnap nila ako?



Bahagya akong nasaktan nang hilahin ang tape na nasa bibig ko. Iniwan lang nila ang blindfold sa mata ko, siguro para hindi ko sila makilala.



"Sino kayo? Bakit nyo ako dinala dito? Anong kailangan nyo sa akin?" Sunod-sunod kong tanong kahit hinihingal-hingal pa.



"Ang ingay mo naman, miss. Wala naman kaming planong saktan ka kung sasagutin mo lang ang mga tanong namin eh..." The man said.



"Hindi ko kayo kilala kaya pwede ba pakawalan nyo na ako!" Sigaw ko.



"Why is it so fucking noisy here?"



Natahimik ako nang makarinig nang panibagong boses. Hindi ito iyong mga lalaking naguusap kanina. This man's voice is so deep and very soothing.



"Boss!" The two men exclaimed.



Their boss has arrived.



"Akala po namin mamaya pa kayo?"



"I told you to bring her to one of my hotels, bakit dito nyo sya dinala sa bahay ko?"



"Po? Akala kasi naman dito..."



I heard someone clicked his tongue.



"Ano pa bang magagawa ko eh nandito na 'yan...take her blindfold off."



"Boss? Paano po kung makita nya ang mga mukha natin?" One of the boss' subordinates asked.


"It's fine..." Bumilis ang tibok nang puso ko nang maramdaman ang mga yapak na papalapit sa akin. Then I stop breathing when I felt a very manly presence beside my ear.



Mafia Series 1: PetuniaWhere stories live. Discover now