Chapter 28

486 18 1
                                    

M A F I A  S E R I E S #1
P E TU N I A (Meisie & Isaiah)



Chapter Twenty-Eight



"What's wrong?" I got jumpy when Isaiah suddenly asked me.



Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nanlalamig ang mukha at mga kamay ko.



"Namumutla ka. Are you okay?" Hahaplosin sana ni Isaiah ang mukha ko pero mabilis akong nakaiwas.



Tinakpan ko din ang speaker ng phone ko at bahagya itong itinago sakanya para hindi nya makita kung sinong tumatawag dahil napasulyap sya dito, he might recognise the number.



I stared at him for a while, then I swallowed hard before deciding to smile.



"I-I'm fine...S-Si miss Kathy ang tumawag...I'll just talk to her somewhere quiet, h-hindi ko sya masyadong marinig dito eh."



Napalunok akong muli nang makitang parang hindi kombinsido si Isaiah sa sagot ko. His brows are slightly furrowed and he's just staring at me.



"Is everything alright, Ice, Meis?" Andreas asked, napansin siguro ang pagtititigan namin ni Isaiah.



I looked at Andreas and showed him a forced smile before shaking my head. "Yeah, yeah, we're good. I'll just need to talk to my manager..."



Kahit kinakausap ko si Andreas ay patuloy parin ang paninitig sa akin ni Isaiah.



"If you excuse me for a bit," Untas ko kina Andreas at sa leader ng Datura.



Nakatayo na ako at aalis na sana nang biglang hawakan ni Isaiah ang aking palapulsuhan para pigilan ako.



"Are you sure you're okay?" Tanong nya habang nakatingala sa akin.



Again, I showed a forced smile. "I told you, I'm fine. Kausapin ko lang si miss K, hmm? I'll be back in a bit."



"Alright, bumalik ka agad." Aniya at hinalikan ang aking kamay.



I smiled genuinely to him and slightly caressed his cheek.



"Dude, you're clingy as fuck." Untas ni Andreas kay Isaiah nang makaalis na ako, pero rinig ko padin pati ang tawanan nila.



Naghanap ako ng lugar na wala masyadong tao, sakto namang may lumabas na babae galing sa restroom kaya kaagad akong pumasok doon at nilock ang pinto.



Sa tagal kong hindi sya kinausap, akala ko pinatay nya na ang tawag, pero nanatili si Isaac Gambino sa kabilang linya, hinihintay lamang ako.



My hands are trembling when I decided to put the phone on my ear, then I took a deep breath before speaking. "D-Do you need something from me, M-Mr. G-Gambino?"



I heard him scoffed. "Sobrang galang naman pala ng bagong kinahuhumalingan ng anak ko. Just call me Isaac, or tito if you want. Let's be comfortable with each other, Meis. I'm still Isaiah's father after all."



Hindi ako sumagot.



"Gusto ko lang i-congratulate ka sa mga nakuha mong awards, at sa pag-anunsyo nyo ni Isaiah sa inyong relasyon...Hindi ko nagawa iyon dahil saglit lang tayong nakapag-usap kanina."



Kahit iyon ang sinabi nya, alam kong may iba pa syang pakay.



"At hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Ms. Meisie Ortega...Do you want to know what really happened to Isaiah's mother and sister?"



Mafia Series 1: PetuniaWhere stories live. Discover now