Chapter 20

562 23 1
                                    

M A F I A  S E R I E S #1
P E T U N I A (Meisie & Isaiah)


Chapter Twenty


"Nabalitaan mo ba kung anong nangyari kay Primrose?"


I'm inside my dressing room and fell asleep while my makeup artist is doing my makeup, medyo nagising lang ako nang marinig ang pinag-uusapan nila ng assistant nya.


"Who? Iyong member ng girl group?" My makeup artist asked.


"Opo. Nagbar daw sya kasama ng mga kaibigan tapos ilang araw bago nakabalik sa dorm nila. Tingin mo ano kayang nangyari?" Iyong assistant.


Nagkibit-balikat lang ang makeup artist ko. "Malay mo kasama ang boyfriend or something, diba?"


"Oh? Tingin mo po may boyfriend si Primrose? Sabi ng mga kakilala kong makeup artist, masama daw ang ugali nya sa mga members nya eh kaya hindi sila close."


Makikinig lang sana ako sakanila pero parang may mali na.


"You shouldn't talk about other people when you don't know them too well." Singit ko sa usapan nila. I tried not to sound hostile.


"I'm sorry, miss Meisie. Nagising po ba namin kayo?" Tanong ng aking makeup artist.


I shook my head. "It's fine."


"I'm sorry po, miss Meisie. Best friend nyo nga po pala si miss Primrose, ano?" Sambit sa akin ng assistant.


"Yes, she's my friend. Pero kahit hindi ko sya kaibigan ay iyon parin ang sasabihin ko. Sa lahat ng taong nakakapanuod or nakakilala sa amin, kayo dapat na mas malapit sa amin ang mas nakakaalam na masakit makarinig ng mga ganyang salita. Just don't do it again, alright?"


Kaagad tumango ang assistant ng makeup artist ko. "Opo, miss. Sorry po."


I just nodded to her.


"Tapos na ba ang makeup ko?" I asked my makeup artist.


Tumango sya habang nakangiti sa akin.


"You can rest now. And please call miss Kathy for me."


"Okay po, miss." Sagot ng makeup artist at lumabas na sila ng kanyang assistant.


Nang ako nalang ang mag-isa sa dressing room ay sinubukan kong tawagan si Primrose. Alam ko medyo may hindi kami pagkakaintindihan dahil sa hindi nya pagsabi sa akin ng details tungkol sa birthday party nya, and we still haven't talk since that night, but she's still my friend. I'm worried about her.


Nakailang tawag ako kay Primrose pero naka-off ang phone nya, tumigil lang ako sa pagtawag ng dumating na si miss Kathy at pinapa-ready na ako para sa commercial shoot ko. It's an ad for a hair dye shampoo. I need to change my hair color for this commercial, pero temporary lang naman at after three months pwede na ulit ako bumalik sa old hair color ko.


"Bagay pala sayo ang platinum pink eh, sana noon pa natin ginawa para sa music video mo." Sambit ni miss Kathy nang nasa van na kami at pauwi na sa unit ko.


My commercial shoot has ended well. And, just like miss Kathy said, my hair color now is platinum pink. They also made me wear an extension.


"Do you think Isaiah will like it? Baka kapag hindi nya magustuhan bayaran nya iyong contract ko sa shampoo brand para lang maibalik ko iyong dati kong hair color." Pagbibiro ko.


Mafia Series 1: PetuniaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant