Chapter 24

511 27 2
                                    

M A F I A  S E R I E S #1
P E T U N I A (Meisie & Isaiah)



Chapter Twenty-Four



"Sobrang proud ako sayo, apo." Ani lola sa kabilang linya.



Tinawagan ko sila ni daddy para ipaalam ang magandang balita.



"Sa wakas ay natupad mo na ang pangarap mo, tapos sobra sobra pa. Wag mong kakalimutang magpasalamat sa maykapal sa lahat ng biyaya, huh, apo?"



Ngumiti ako kahit hindi naman nakikita ni lola. "Syempre naman po, la. Kung hindi dahil sakanya ay wala ako kung nasaan ako ngayon. Pati rin po sainyo, alam ko pong kahit minsan nalang tayong magkasama ay lagi nyo po akong sinusuportahan."



"Syempre naman, apo. Lagi lang kaming nandito para sayo. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo, Meisie."



"Mahal ko din po kayo, la...Uh, si daddy po? Nandyan ba sya?"



Hindi kaagad nakasagot si lola. "Oo, apo. Nandito sya at nakikinig lang sa atin. Alam mo naman ang daddy mo, hindi talaga expressive pero siguradong proud na proud din sya sayo. Ang mommy mo ba sinabihan mo na?"



Ako naman ang hindi kaagad nakasagot. I bit my lower lip before answering my lola. "Tinawagan ko na po sya, la. Pero busy po sila ni tito Bruce kaya hindi ko na po sila inabala."



Rinig ko ang buntonghininga ng aking lola sa kabilang linya. Alam kong alam nya ang pagbabagong nangyari sa relasyon namin ni mommy simula nang maghiwalay si ng daddy. Pero kahit ganoon ay hindi ipinaparamdam sa akin ni lola na nagiisa ako. She's always there for me when my parents are fighting for their separation.



"Hayaan mo at sigurado namang proud saiyo 'yon, apo. Sya pa nga ang may gustong mag-singer ka, hindi ba?" Humagikgik si lola, sinusubukang pagaanin ang loob ko.



Nakitawa narin ako sakanya kalaunan.



"Oh sige na, apo. Magiingat ka lang lagi at wag mong papabayaan ang sarili mo ah. Aabangan ka namin sa music award sa tv." Ani lola nang magpaalam na ako dahil may pictorial pa.



Tumango ako at ngumiti. "Kayo din po, ingat po kayo palagi..."



Hindi ko muna pinatay ang tawag kahit nagpaalam na naman ako kay lola dahil may gusto pa akong sabihin.



"Meisie? Andyan ka pa ba, apo?"



"Opo, la..." I took a deep breath before continuing. "Uh, la?"



"Ano iyon, apo?"



"May...may gusto po sana akong ipakilala sainyo sa susunod na pagdalaw ko dyan sa bahay." Kabado kong sinabi kay lola.



My lola got silent, at kahit hindi ko sinabi ang buong detalye ay parang may ideya na sya dahil sa bigla nyang pagtahimik.



"Okay, apo. Paghahandaan ko ang pagpunta nyo." Ramdam ko ang ngiti ni lola habang sinasabi nya iyon, kaya parang gumaan din ang loob ko dahil doon.



The day of the music award came. Ilang oras nalang at magsisimula na ang red carpet. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba dahil ito ang unang beses na aattend ako sa ganito kalaking music award tapos magpe-perform pa ako. Kakantahin ko ang original song ko ng saglit tapos may collaboration na ako sa isang legendary singer na halos ka-edad na ng parents ko.



Sobrang daming fans ni Ms. Jaylida at kahit ako ay hinahangaan sya pagdating sa pagkanta. Naglabas sya ng bagong single at dahil halos pareho kami ng concept ay number one requested ng mga fans na mag-collab kami. Noong unang beses kaming magkita para sa rehearsal ay sobrang na-intimidate ako sakanya. Ang ganda nya parin kahit may edad na. Pero habang nagre-rehears kami ay gumagaan ang loob ko sakanya dahil napaka-friendly nya at ang ganda ganda pa ng ngiti. Kaya naman mabilis naming naayos ang aming collaboration performance para sa event.



Mafia Series 1: PetuniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon