Chapter 15

574 28 2
                                    

M A F I A  S E R I E S #1
P E T U N I A (Meisie & Isaiah)



Chapter Fifteen



"Isaiah, this is my manager, miss Kathy. You've seen her before...Miss Kathy, this is Isaiah Ceasar Gambino, my, uh...boyfriend."



Pakilala ko sakanilang dalawa ng nakalapit na kami ni Isaiah kay miss Kathy.



"It's nice to finally meet you, miss manager." Isaiah spread his hand to ask a handshake from miss Kathy. He's also smiling to her.



My manager shyly accepted Isaiah's hand even though she's still in shock because of what's happening.



"It's, uh, nice to meet you too, mister Gambino." Ani miss K.



"Just Isaiah is fine." Isaiah answered.



Miss Kathy just smiled at him awkwardly.



Nang magtama ang mata namin ni miss Kathy, hinawakan nya ako sa braso at hinila sa tabi nya.



"Um, hiramin ko lang muna si Meisie...may sasabihin lang ako..." Sambit ni miss Kathy kay Isaiah.



Isaiah looked me in the eyes, then he looked at my manager and nodded to her with a smile. "Sure, go ahead."



Nang marinig ang pagsang-ayon ni Isaiah ay kaagad akong hinatak ni miss Kathy palayo sa boyfriend ko.



"What the heck, Meisie?!" Napatingin si miss K kay Isaiah ng medyo mapalakas ang boses nya, then hininaan nya ulit ito. "Si Isaiah Gambino ba talaga iyon? Akala ko...matanda na sya tapos mataba pa?" Pabulong pero mariing nyang sinabi sa akin.



"Eh, sino ba kasing nagsabi sayo ng tungkol sa appearance ni Isaiah? You shouldn't have believed in them." Sagot ko naman.



"Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin noong sinabi mong boyfriend mo nga sya?! Nakakaloka ka. All this time akala ko...I mean there's nothing wrong with it if you're in the right age, pero akala ko talaga pumatol ka sa matanda!"



"Yes, he's older than me. 7 years, I think? But not that old, right?" Natawa ako ng inirapan ako ni miss Kathy.



"Hindi ako pumatol sa matanda, pero pumatol ako sa mafia boss, so I think we shouldn't make him wait any longer. His patience is kinda short, miss... " Dugtong ko.



Nanlaki ang mga mata ni miss Kathy dahil sa biro ko. "Shuta ka, bakit ngayon mo lang sinabi?"



Dali-dali akong hinila ni miss Kathy pabalik kung nasaan si Isaiah. Bahagya nya rin akong tinulak palapit sa katawan nito. Isaiah automatically encircled his arm on my waist.



"Thanks sa pagpapahiram kay Meisie, sir Isaiah..." Ani miss K kay Isaiah.



Pareho kaming napangiti ni Isaiah dahil sa isinambit ni miss Kathy.



"Before I forgot, I have a gift for your manager..." Si Isaiah.



"You have?" Paguulit ko.



"No...no need na po, sir."



"No, it's fine. I bought it while buying Meisie's gift...Vale..." Ani Isaiah at tinawag namin ang kanyang secretary. "Pakikuha ng regalo ni miss manager." Utos nya pagkalapit nito.



"Yes, boss." Sagot ni Vale at lumakad papunta sa likod ng Jeep Wrangler. Binuksan nya ang trunk nito at kinuha ang isang paper bag mula sa isang sikat na brand.



Mafia Series 1: PetuniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon