Chapter 23

518 23 1
                                    

M A F I A  S E R I E S #1
P E T U N I A (Meisie & Isaiah)



Chapter Twenty-Three



"What are you making, Meis?" Isaiah came and hugged me from the back.



I'm at his kitchen making some cinnamon rolls...It has been two weeks since the incident at the private island.



Isaiah didn't take me back to my condo unit, we went straight to his house when we went back from the island. Miss Kathy told us that some paparazzi already know what happened but they don't have any evidence so they need to look for me for more scoop. Isaiah also don't what me to get stress even more so he don't want me to go back to my unit for the meantime.



Primrose survived the gunshot. Bago kami bumalik ay kinausap ko si Isaiah at sinabing ayokong may gawin ang Petunia clan kay Prim. Nadamay lang din sya sa nangyari kaya nya nagawa iyon. Noong una ay hindi pumayag si Isaiah, pero sa sobrang pakiusap ko ay hindi na sya nakipagtalo. Pero dahil may nagawang kasalanan si Primrose, police na ang humawak sakanya para parusahan sya sa ginawa nya.



Isaiah told me that Primrose is the one who took Kylo out of the hospital where he's staying. Nagpanggap daw syang nurse kaya mabilis na nakalusot sa mga tauhan ni Isaiah. Dinala nya si Kylo sa bahay nya, pero dahil matagal itong nawalan ng life support ay tuluyan ng namatay. At dahil doon, mas namuot ang galit ni Primrose sa akin. Ako ang sinisisi nya kung bakit nangyari ang lahat ng ito kay Kylo.



Pagbalik namin ni Isaiah galing sa isla, sobrang naging busy sya ng mga sumunod na araw dahil nalaman na nila kung sino ang tumutulong kay Kylo. Bukod sa mga Ramirez, tinutulungan din ng Black Rose clan ang pamilya ni Kylo. Kilala ang Black Rose sa pagiging kalaban ng lahat ng mga clan. Sila ang pinakatuso at madami narin silang napapatay. Mabilis nilang nalinis ang pangalan nila kaya hindi sila magawang paghigantihan ng Petunia at tanging mga Ramirez lang ang nakuha nila Isaiah.



Later on, the media found out about what happened to Primrose, but her agency didn't tell the whole story. They also didn't mention my name or the Petunia because that's what Isaiah wants. I know he threatened them with something. Sinabi lang nila na aksidente lamang ang nangyari at nadamay lang si Primrose sa barilan, ngunit hindi na nito kayang bumalik sa trabaho kaya nag-disband narin ang kanyang grupo.



Napagdugtong-dugtong ng ilang mga media at paparazzi ang kwento, pero dahil wala naman ang pangalan ko sa nabanggit ng agency ni Primrose ay hindi nila magawang idamay ako. Ang sinabi lang ng agency ko ay nasa bakasyon ako at walang alam sa nangyari. May iilan narin ang nagdududa sa relasyon namin ni Isaiah, pero hindi nagbigay ng pahayag tungkol doon ang agency ko.



Mabuti narin siguro ito para hindi na madamay ang pamilya ko. They don't have anything to do with this.



"It smells so good." Isaiah added while looking at my cinnamon rolls.



"Really? This is for us, because I'd already gave some to the boys." Sambit ko habang nilalagyan ng cream cheese frosting ang ibabaw ng tinapay.



"What?" Kinalas ni Isaiah ang pagkakayakap nya sa akin. "You gave that to my men while wearing that dress?"



"Hmm? What's wrong with my dress?" I also looked at what I'm wearing, it's a slip silk dress. I wore this to sleep last night and still haven't change. I'm planning to take a shower after eating breakfast.



"Ako lang dapat ang nakakakita sayo kapag ganyan ang suot mo." Untas nya.



Natawa tuloy ako. Nagsalita ang lalaking sobrang confident na lumabas ng kwarto na pants lang ang suot at walang pang itaas na saplot.



Mafia Series 1: PetuniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon