Chapter 8 Aso at Pusa

187 4 0
                                    

Chapter 8

-

----- Phoebe's POV

-

"Ahmm .. Benjamin, may ipagtatapat sana ako sayo.." nahihiyang sabi ko kay Benjamin habang nakatungo. Andito kami ngayon sa tabing-dagat, katabi ko siya. Magkita daw kasi kami dito. Eh kanina pa siya hindi nagsasalita kaya ako nalang unang kumausap. Chance ko na to eh! Aaminin ko na.. na crush ko siya. >///<

"Ano yun? Ahmm..sorry ha, kanina pa ko tahimik. Sa totoo niyan kasi may sasabihin din sana ako sayo kaya pinapunta kita dito." Bigla akong napatingin sa kanya ng nakita kong nakatitig pala siya sakin. >///< "Alam kong magugulat ka dito sa sasabihin ko pero.. Phoebe I love you.. I really do."

Natulala ako .. nagulat. Nang maprocess na sa utak ko yung sinabi niya. Niyakap ko agad siya ng mahigpit.

"Waaah. Tama ba pagkakarinig ko. You love me?" Totoo ba to? Ang crush ko, mahal ako?! Kyaaaah! >///<

"Sabi ko na nga ba, may pagnanasa ka talaga sakin e." teka wait.. bakit parang biglang nag-iba boses ni Benja? parang kaboses ni ano.

Dinilat ko ang mga mata ko. Teka. Nasa kwarto ako. Arghh! It means panaginip Lang yung kanina? T_______T how sad.. oo nga naman, crush ko, mahal ako? tsk. Bakit di ko naisip na sa panaginip nga Lang pwedeng mangyari yun. :(

Pero yung pagyakap ko, bat parang totoo? O.o?

Tiningnan ko kung ano yung yakap ko... SHOCKS! OR SHOULD I SAY KUNG SINO! O_____O!!

"waaaah!" sinipa ko kaagad siya kaya nalaglag siya sa kama. "h-hoy! bakit ka nandito sa kama ko?"

"aray namaaan!" sabay himas niya sa pang-upo niya. "eh diba nga sa kama mo rin ako natulog kagabe? yun nga Lang may nakapagitang unan sa atin. nakalimutan mo na ba? ewan ko nga sayo kung bakit mo tinanggal yung unan eh, tas naramdaman ko nalang may yumakap na sakin. May pagnanasa ka talaga sakin ano? Siguro, yung kahapon, kaya ka namumula kasi kinikilig ka? Tas nagsasalita ka pa ng tulog dyan ng you love me you love me kanina, eh ang totoo naman talaga eh, YOU! (sabay turo niya sa akin) LOVE ME! (turo niya sa sarili niya.) Hahahaha!"

Psh! Nung nagpaulan ba ng kayabangan nasalo niya lahat? >______< Sino pa ba? Edi si Tristan Lang naman.

"Ang kapaaaal naman ng mukha mo! Malikot kasi ako matulog kaya siguro natanggal yung mga unang nakapagitan satin. Yung kahapon, kaya ako namumula, hindi dahil sa kinikilig ako sayo, kundi naiinis ako sayo! At wala akong pagnanasa sayo noh.Hindi ko intensyong yakapin ka for your information. And yung you love me na yun, wala ka ng pakialam dun and ano sabi mo? ME? (turo ko sa sarili ko) and YOU? (turo ko sa kanya) AS IF!"

"Baka you mean, WHAT IF. Tss. Ikaw talaga Ms.Taray, mapapanaginipan mo na nga Lang ako, yung obvious pa. Haaay."

.

"Errr! Lumabas ka na nga!"

"Okay. Okay. Fine." Tumayo na siya. "Taray mo talaga."

"Nagsalita ang mayabang."

"Ikaw yung nagsalita, edi it means ikaw yung mayabang? Hahahaha!"

Aissh.. Chill.. Relax.. Inhale... Exhale... Phoebe.. KALMA!

"ha-ha nakakatawa! labas na, chupi! shoooo!"

"Oo na." Nang makita kong bigla siyang napatingin sa kama ko. "A-ano yan?" Turo niya dun sa side kung san ako natulog.

Tiningnan ko kung ano.. ASDFGHJKL O_O!! Tinakpan ko agad ng unan.

"Ah, ano, wa-wala, wala yan.. ano ka ba. ano.. ahmmm. DESIGN! tama! design yan! design lang yan sa kama ko." Tumango naman siya. "Lumabas ka na sabi."

"Oo, ito na talaga. Haha! Grabe, akala ko talaga tagos. Sige!" At lumabas na siya ng pinto.

Waaaah! Kung alam niya Lang na tama siya, pagtatawanan nanaman ako nun. Sa dinami rami talaga ng pwedeng makakita ng tagos na to, si Tristan pa? waaah, nakakainis talaga T__T

--

a/n: parang aso't pusa Lang talaga si Tristan at Phoebe kung magbangayan. XD pero wag kayo, tahimik Lang talaga yang si Tristan, ang daldal Lang pagdating kay Phoebe hahaha! Kawawang Phoebe, napagdidiskitahan.

short update Lang :) hindi po ako sa computer nag-update kaya pagpasensyahan niyo na po. hehe .. salamat sa mga naglagay ng story na to sa reading list nila :) thank you po! :D

Thanks for reading! :*

Love. Love. Love.

--princesscj27

Who's the one for me?Where stories live. Discover now