Chapter 11 Rapunzel??

170 5 3
                                    

Chapter 11

-

----- Phoebe's POV

"Uy. Naaalala mo pa ba ko? Ako 'to si Benjamin." Si Benjamin. Kilala niya pa ba ako? Naaalala ba niya talaga ako? No. I must be dreaming. I know, this is just a dream. Maya-maya lang magigising na rin ako.

Siguro pagkauwi ni Dave, ilang minuto Lang ay umuwi na rin ako, dumiretso sa kwarto ko at natulog. Tama. Ganun nga ang nangyari. Tapos, kasalukuyan akong nananaginip na kinakausap ako ngayon ni Benjamin. Tama. Ganun nga.

"Hey!" Tapos iwinagayway niya yung kamay niya sa harap ng mukha ko na ultimong parang wala akong nakikita o kung nakikita ko ba siya. My gaaaas, benja, kitang-kita kaya kita!!

Nakakaloko naman 'tong panaginip na 'to, parang makatotohanan lang. Napangiti tuloy ako sa iniisip ko. As if namang totoong nangyayari to.

-

----- Benjamin's POV

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Mall mag-isa. Nagtitingin tingin lang ng kung anu-ano. Wala lang. Nabobored kasi ako eh. Wala akong magawa.

Tumingin ako ng damit sa Bench, agad din naman akong lumabas para tumingin naman sa iba. Grabe huh. Para na akong ewan. Dala lang ng pagkabagot eh kung san san na nakarating.

Pumasok ako sa loob ng department store, may sale kasi baka sakaling may magustuhan naman akong bilhin kahit papano.

Nadako ang tingin ko sa isang babae. She looks familiar. Nakita ko na siya eh. Saan nga ba? Sa palengke? Nagtitinda ba siya dun? Ahh hindi. Sa ospital? Sa mall din ba? Sa bulsa ko? Sa school?

Tama. Siya nga :) siya yung katabi ko nung nag-take ako ng exam sa Chuchu University at binigyan ko ng lapis. Si Phoebe.

Lumapit ako sa kanya. "Phoebe, right?" Tanong ko sa kanya pero parang gulat na gulat siyang makita ako. Naku. Baka iniisip niyang masama akong tao. Hindi na ba niya ako naaalala?

"Uy. Naaalala mo pa ba ko? Ako 'to si Benjamin." Pero still, hindi siya umiimik. This time, parang may malalim siyang iniisip at parang dun siya nag-fofocus.

"Hey!" At winagayway ko yung kamay ko sa harap ng mukha niya.

Pero hindi pa rin niya yata ako napapansin. Pero nakita kong ngumiti siya, bakit kaya?

Hala. Baka may tama na siya sa utak. Naku, sayang ang ganda niya 'pag nagkataon. O di kaya'y baka nagka-amnesia siya kaya baka hindi na niya ako naaalala?

Muli, ay kinalabit ko siya. "Phoebe. Ako yung nagbigay sayo ng lapis nung entrance exam natin. Natatandaan mo na ba?"

Wala nanamang akong sagot na narinig sa kanya pero nagulat nalang ako ng kinurot niya yung pisngi ko.

"Araaay!" Sabay bitaw naman niya sa pisngi ko. "Ba-bakit ka nangungurot?" Hinihimas ko yung pisngi kong kinurot niya.

"Hala. Parang totoo talaga." Bulong niya sa sarili niya pero narinig ko pa rin. Totoo? Anong parang totoo? Bakit? Mukha ba kong clone?

"Naku, teka nga." At kinurot naman niya ang sarili niya. "Araaaay." Sigaw naman niya. Ano bang problema?

"Masakit. It means..." at napatingin siya sa'kin. "Uy! Naku, Sorry! Sorry ah, hindi ko sinasadya, akala ko kasi.. ano, sorry talaga." Tukoy niya sa pisngi ko.

"Naku. Okay lang yun. May pagkasadista ka pala. Hahahaha!"

"Hindi ko talaga sinasadya." At napatungo siya.

"Wala yun. Ano ka ba. In fact, nakakatawa ka nga e." Totoo yun. Natutuwa ako sa kanya. Kakaiba ..

"Anong nakakatawa dun, eh kinurot nga kita."

Who's the one for me?Where stories live. Discover now