Chapter 3 NO WAY!

247 6 0
                                    

=========

princesscj27: picture ng bestfriend ni Phoebe na si Dave :) --->

ang cute niya :">

=========

Chapter 3

----- Phoebe's POV

*Bahay*

"Andito na po kami .." Bati ko kayna Mommy, Daddy at Kuya.

"Oh? My Princess bat ang dungis mo naman ata? Ano nangyari diyan Dave?"

"Hindi ko nga rin alam Kuya ee, bumili lang ako ng maiinom pagbalik ko ganyan na yan."

" Ah, ano. Eh, nadapa lang ako Kuya.. ta.. tapos tumapon sakin yung kinakain ko. Ayun! Hehe.." pagsisinungaling ko. >____<

"Ibig sabihin, tama ako? Lampa ka nga talaga Baby? Hahaha! Joke lang. :) Ok ka lang ba?" Singit ni Daddy sa usapan.

"Daddy talaga. >.< Opo, ok lang ako. My Prince late ba kami? Binalita mo na ba kayna Mommy and Daddy?"

"Ah hindi. Mamaya pa pag dating ng bisita."

"Psh! Nagmadali pa naman kami umuwi. Mamaya pa pala. >.<"

"Eh ganun talaga. Hahaha! Yung isa nga nating bisita, nagtext medyo mahuhuli nga raw siya e. Baka naligaw na yun. Haha!"

Okay? Sino naman yun?? Wala ko maintindihan sa sinasabi ng Kuya ko. O.o

"Ah okay." Tanging sagot ko nalang.

"Phoebe, magpalit ka na muna ng damit." Sabat ni Mommy.

"Ah ok po Mommy. Kuya mamaya pa ba balita?" Tumango siya at sinabing 'wag excited.' =___=

"Dave, wait lang huh. Dito ka na maghapunan alam kong hindi ka makakatanggi.. or should I say, hindi ka tatanggi?" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Alam mo yan! Hahahaha!" Sabi na e.

Umakyat na ko sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Yung lalaking yun talaga! Argh! May mantsa na tuloy ang damit kong may panda na design T___T

Dumiretso ako sa kusina at nadatnan kong andun si Mommy kasama ni Dave.

"Mommy, medyo marami po yan para sa hapunan ah."

"Ayos nga e. Hahaha!" Ngingiti ngiting sabi ni Dave na halos umabot na sa tenga. Basta pagkaen talaga oh. =___=

"May bisita pa tayo oy." Sabi ko at biglang nag-iba expression niya, parang nadismaya siya. Alam ko iniisip nito.. --> 'dami ko kaagaw sa pagkain. tsk!' XD

"Ah, Mommy! Andito si Ate Tricia mamaya, right? Yey!!"

"Yes, andito siya mamaya. Phoebe, eto juice at biscuit. Alam kong hindi pa kayo nag-lulunch. Ayan muna, malapit na rin naman maghapunan. Dun muna kayo sa Terrace, itutuloy ko pa tong niluluto ko." - Mommy.

"Okay po Mom. Tara Best!"

*Terrace*

*nom nom nom* "Hirndi mo ba kerkeinirn yang birshcuit?" Sabi ni Dave habang ngumunguya nguya pa.

"No, juice lang sakin. If you want, sayo nalang lahat yan."

"Thanks!! Nga pala, ikwento mo na nangyari kanina."

"Ah oo nga pala.. Ganito kasi yun .."

Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari simula nung iniwan niya ako sa Park.

"Ah grabe! Hahaha! Kaya pala! Ikaw naman kasi eh. Hindi mo tinitingnan paligid mo. Ayan tuloy. Hahaha!" Tatatawa tawang sabi ni Dave =___=

"Sige! Mang-asar lang. Hmp!"

"Biro lang yun, Best. I love you! Buti walang masamang nangyari sayo."

Tinitigan ko ang mga mata niya. Nakita kong sincere siya sa sinasabi niya. Di ko tuloy alam ang sasabihin ko.

Nagulat nalang ako ng makita kong wala na ring laman na juice ang baso ko. O.O

"Woii! Asan na yung juice! Bat mo ininom?"

"Ay?"

"Ay? Anong ay ka dyan. Hmp! Hate you!"

"Awww .. :( "

"Joke lang din Best! I love you!!"

Nakita kong parang lumiwanag ang mukha niya. Nyare? O.o

"PHOEBE!! DAVE! Tara! Dito na kayo." Sigaw ni Kuya mula sa living room.

"Tara!"

*Living Room*

"Waaaahh! Ate Tricia!!" Tumakbo ako papunta sa kanya at hinalikan siya sa cheeks.

"Hello Phoebe!" Nakangiting sagot niya.

"I miss you Ate Tricia!"

"I miss you too!" Nag-hug kami.

"Oy! Oy!" Gumitna bigla sa amin si Kuya. "Aba aba! Parang kayo ah?" Dagdag pa niya. Hahaha! Adik talaga nito XD

"Ganun talaga My Prince! Bleeeh! :P"

"Naku. Mas bagay sila ng kapatid ko." - Ate Tricia.

"May kapatid ka pala teh??"

Bat wala akong matandaan?? Meron ba?

"Oo, kinuwento ko na sayo yun nung mag-bonding tayo dati. Nakalimutan mo na ata o baka masyado ka lang kasing busy nun sa paglamon ng cake. Tama ba?" Natatawa tawang sabi ni Ate Tricia.

"Paglamon talaga! Hahahaha!" -Dave at Kuya. Sabay sila. Nag-apir pa. >____<

"Tse!" Pinagtutulungan ako nitong dalawang to. "Ah, ate.. Asan siya? Kasama mo ba?" Sabi ko kay Ate Tricia.

"Paparating na yata eh?" Sagot niya. "Asan na ba raw siya Honey?" Sabi niya kay Kuya Ken.

"Ayan na oh! Tristan! Halika papakilala kita sa kapatid ko." - Kuya Ken.

Wait.. Tristan??? Familiar huh. San ko ba narinig yun?

"Best. Tama ba pagkakarinig ko? Tristan?"

"Oo, tama. Kapangalan nung kinwento mo noh? Hahaha!"

Ibig sabihin.... O___O ah, baka hindi. maraming Tristan sa mundo. Tama! Maraming Tristan sa mundo. Imposibleng siya yun ..

"Hi Ate! Hi Kuya Ken!" Sigaw niya.

Familiar voice.. Papalapit na siya sa amin dahil naririnig ko ang yabag ng paa niya papunta dito. Hindi ko pa siya nakikita kasi nakaharap ako kayna Kuya at Ate Tricia kaya nakatalikod ako sa kanya.

"Tristan.. meet my sister, Phoebe."

"Phoebe??"

"Yes? Ba....kit.."

ASDFGHJKL. NO WAY!! HI-WAY!!

Phoebe and Tristan: IKAW???!!!

----------------------------------------------------------------

Grabe. Ngayon nalang ulit ako nakapag-update. Sorry po. Sobrang busy kasi eh. Kakatapos nga lang kanina ng performance namin sa P.E na gymnastics. Wooh! Kapagod! May sem break pa ba kami nito? Haha!

Thanks for reading! :*

Love. Love. Love. <3

--princesscj27

Who's the one for me?Where stories live. Discover now