Chapter 12 living under the same roof

155 5 3
                                    

Chapter 12

-

----- Phoebe's POV

-

"Haaa .." paghikab ko. "Ouch. Ang sakit ng paa ko..." sabay talukbong ko ng kumot.

Grabe. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at sakit sa paa sa kalalakad namin kung saan saan ni Benja kahapon. >____<

Kyaaaah! >///< Naalala ko nanaman tuloy ang paglaboy namin!! Nakasama ko lang naman ang crush kooo. At, this time it's reaaal ! Tapos hiningi niya pa yung number ko para daw sa susunod maglaboy daw ulit kami. OMO! waaaah! I can't wait! >//<

Oo nga pala! Si Dave. Nagreply na kaya? Sana naman di nanaman nagtampo yun.

Bumangon ako at umupo. Inabot ko ang cellphone ko na nakalagay sa table at tiningnan kung may nag-text.

3 messages received.

Binasa ko isa-isa.

---

From: Best Dave 

9:39pm

Oh ganun? Nagkita pala kayo. Sensya Best, late receiver ako. Sige tulog na ko ah. Ikaw din. Goodnight!

---

Aaaah, late receiver naman daw pala siya kagabe. Akala ko kung ano na.

---

From: Benja <3

Good morning Phoebe! Have a Nice Day. Take Care! :D

---

OMG!! tama ba 'to?! totoo ba 'tong nababasa ko?! Waaaah! Ang gandang bungad naman niyan sa umaga oh!! ^______^

Magrreply sana ako sa kanya pero...

Message Sending Failed!!

Wala na pala akong load! Peste. Ngayon pa! Kung kelaaan. Tsk! Sayang! T____T

Binasa ko nalang ulit yung natirang message.

---

From: +63905*******

Humanda ka. Malapit na tayong magkitang muli. >:)

---

Seriously? Sino naman kaya 'to? Unregistered number. Nababaliw na ata to. Humanda ako? Psh! Sino ba siya? Baka wrong send! Duh!! Saken pa.. Di ko nga sya kilala eh. Tsss ..

Teka. Anong araw ba ngayon? Sabado. Hmmm.. wala naman akong lakad ngayong araw na 'to eh, tsaka sa lunes pa naman yung enrollan.

Since wala naman akong laboy ngayon. Maglalaba nalang ako. ^___^ malalabhan ko na yung bed sheet na inirereklamo ni author na labhan ko na raw. Masyadong nagmamadali. =____=

Nilapag ko ulit yung cellphone ko sa table at tumayo na.

Grabe. Tanghali na pala. Akalain mo yun. O.O

Nagulat ako pagtingin ko sa kaliwa ko. Nakatagilid kasi ako at nakaharap sa kanan kung san nakalagay yung table.

Bakit may kurtina?

Tumayo ako at hinawi ko yung kurtina, nagulat nalang ako ng may makita akong isa pang kama sa kwarto ko. Oh? Kanino naman to? bagong kama ko ba to?

Tatanungin ko nalang sila..

Naghilamos at nag-tooth brush muna ako bago bumaba.

"Hi Mommy! Hi Daddy! Hi My Prince!" Bati ko sa kanila.

Who's the one for me?Where stories live. Discover now