Chapter 21 1st day of College.

102 5 2
                                    

Chapter 21

----- Phoebe's POV

Ngayon. Ngayon ang araw ng pasukan! COLLEGE NA KO. This is it!! ^_____^

Bumangon ako sa kama. Nakita kong tulog pa si Tristan. Napaaga yata ang gising ko ngayon ah. Himala! Naunahan ko pa yung alarm ng alarm clock.

Oh diba. May alarm clock na ulit ako. :P syempre kailangan na eh. @___@

Teka, gigisingin ko na rin ba si Tristan para makapaghanda na rin siya?

Hmp. Mamaya na, badtrip pa rin ako diyan e. Well, kelan ba hindi?

Hmmm. Minsan siguro?

Teka. Gaano ba kadalas ang minsan?

Minsan?

o Madalas?

Nevermind. =___=

Well basta, badtrip ako kay Tristan. Pano ba naman kase, sabihan daw ba ako ng FC? As in... Flat Chested daw ako?

Di naman kaya.. >3<

Bwisit na Tristan talaga.

Pero dahil hindi na rin kinaya ng konsensya ko, ginising ko na rin siya.

"Oy!" Sabay yugyog ko sa balikat niya. "Oy. Gising na."

"Hmm.. ano ba ang aga aga." Sabi niya ng nakapikit at nagtalukbong ng kumot.

"Hoy!" Then tinanggal ko yung kumot. "Anong ano ba ka dyan. Bumangon ka na.."

"Oo na! Oo na. 5 minutes." Sabay talukbong niya ulit ng kumot.

"Psh. Bahala ka diyan."

5 minutes? Tss. Ilang beses ko na kayang sinasabi yan kada umaga pero hindi ko namamalayang umaabot ako hanggang 30 minutes . =____=

Napatingin ako sa alarm clock, 5:10 am na. 7am ang 1st class namin, tamang tama Lang para makapaghanda.

Naghilamos muna ako at nagmumog. Chineck ko na rin yung mga laman ng bag ko. Syempre bago lahat ng 'to. Ganto naman lagi pag 1st day of school. ^___^

Naisipan kong plantsahin muna yung uniform ko. Yes, may uniform po kami. Unlike the other universities na pwedeng mag-civilian everyday. Well meron naman kaming wash day every Wednesday and Friday kaya okay na rin. ^___^

Habang nagpplantsa ako, biglang tumunog yung alarm clock dahilan para magulantang ang natutulog na Tristan, it means 5:30 am na.

"Oh anong sabi ng 5 minutes mo?" Sabi ko habang ina-unplug yung saksakan ng plantsa.

"Whatever.." Sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. "Whatever din."

"Kanina pa kaya ako gising. Nakahiga lang talaga ako tsaka nakapikit." Sabi niya habang kinukuskos yung mata.

"Sinong niloko mo? Maliligo na nga ko. Mag-ayos ka na rin diyan. Ayokong ma-late."

"Eh. Tinatamad akong pumasok."

"Subukan mo Lang Tristan Kevin Wilson. Malilintikan ka talaga saken. Dapat paglabas ko ng CR okay ka na. Pag hinde, humanda ka ng masaktan." At tuluyan na kong pumasok ng CR.

Nagtataka ba kayo kung bakit ko ginising ng maaga at pinagmamadaling kumilos yung Mr.Yabang na yun?

Well ang totoo naman niyan eh wala akong pakialam kung ma-late siya or kung tamarin man siyang pumasok sa school o hinde eh.

Nakakainis naman kasi, simula nung nalaman nila Mommy na magiging magkaklase kami nitong si Tristan sabi nila Kuya sabay nalang daw kaming pumasok lagi. Kapag hindi raw, babawasan ang allowance ko. Great. Just great.. =___=

Who's the one for me?Where stories live. Discover now