Chapter 4 watda? @.@

232 6 2
                                    

=========

princesscj27: picture ni Benjamin :) --->

oh my gee :">

=========



Chapter 4

----- Tristan POV

I've met a girl sa park, muntik na sya mabunggo ng kotse. Hindi kasi tumitingin sa daan. Tsk. Kasi kung hindi ako nagkakamali, nakatitig siya dun sa stuff toy na Panda. Psh! =___=

Kaya ayun, niligtas ko. Pero aba, nagkasagutan pa kami, nasungitan ko kasi ata. Oh well, ganto naman talaga ako. Suplado. Pero ewan ko ba kung bakit pinansin ko pa yung babaeng yun. Well siguro kasi Bibe sya. Haha!

Kaya lang badtrip, nadamay ako sa nadumihan ng cake at ice cream na dala niya. Kaasar. Uuwi pa tuloy ako para magpalit. Lagot ako kay Ate Tricia at Kuya Ken nito. Mahuhuli pa ako. Tetext ko muna si Kuya Ken na malalate ako. >.<

--- 

To: Kuya Ken

Kuya, wait lang ah. Medyo mahuhuli ako ng konti. Pasensya na. 

---

Nang makauwi ako sa apartment namin. Nagpalit agad ako at nag-ayos.

Nga pala, I'm Tristan Kevin Wilson, 18. Wala na kaming parents ng Ate Tricia ko. Naaksidente kasi sila Car Accident. Kaya siguro ganun nalang nung nakita ko yung babaeng si Ms. Taray na muntik na mabunggo ng kotse. Niligtas ko siya kasi alam kong may magagawa ako. Hindi tulad nung nangyari sa parents ko. Wala man lang akong nagawa para iligtas sila. >____<

Tama na drama. May pupuntahan pa pala ako.

Haay sa wakas. Nakabalik na ulit ako dito sa lugar nila . San na ba to? Teka.. parang may mali.. Parang may nawawala. Ah sh*t! Yung papel! Yung papel kung saan sinulat ni Ate Tricia yung daan papunta kayna Kuya Ken. Tsk! Yung mapa ko. Pano ako makakapunta dun ngayon? Saan nga ba yung daan papunta dun? Psh! Naiwala ko pa kasi. Ang pagkakaalala ko lang, malapit daw sila sa Park.

Park? Bigla kong naalala si Ms.Taray.. Tama! Hawak hawak ko pa yung papel na yun bago ko sya iligtas kanina. Tsk! Kung minamalas ka nga naman talaga oo.

--- 

To:Kuya Ken

Kuya, naliligaw yata ako. 

---

--- 

From: Kuya Ken

Asan ka na ba? Gusto mo sunduin nalang kita? 

---

--- 

To: Kuya Ken

Ah, hindi na. Magtatatanong tanong nalang siguro ako. San ba bahay niyo? 

---

--- 

From: Kuya Ken

Malapit lang sa park. Magtanong tanong ka sa mga tao dun, sabihin mo san ang bahay ng mga Diaz. Alam na nila yun. Sikat kame dito e. Hahahahaha! 

---

--- 

To: Kuya Ken

Kuya Ken talaga. Sige. Salamat! :) 

---

--- 

From: Kuya Ken

Sige. Bilisan mo. Pakilala ko na rin sayo yung kapatid ko. 

---

Ang kulit talaga nun. Close kami niyang si Kuya Ken. Mahilig din kasi siya magbasa ng books kagaya ko. hehe

Nagtanong tanong muna ako kung san dito ang Park. Nang makarating ako sa park, tsaka ko tinanong kung saan ang bahay ng mga Diaz.

"Ah, ale, alam niyo po ba kung san ang bahay ng mga Diaz dito?" Tanong ko sa aleng nandito sa Park.

"Ah ang mga Diaz ba? Malapit lang yun dito. Nakikita mo ba yung kantong yun? Lumiko ka dun. Sa kanan, makikita mo ang puting gate iho. "

"Sige. Salamat po!" Nginitian ko muna siya bago umalis.

Hindi naman ako nalito kasi may nakalagay na "Diaz Family" sa gate nila. Haay. Sa wakas nakarating din. Magddoor bell na sana ako ng pagtingin ko bukas pala yung gate. Pumasok nalang ako. Ayos e noh? Haha!

"Hi Ate! Hi Kuya Ken!" Bati ko sa kanila habang papalapit ako. Katabi ni Ate Tricia si Kuya Ken at may isa pang lalaki silang kasama. May babaeng nakaharap sa kanila kaya likod lang niya ang nakikita ko.

Sino ba dito ang kapatid ni Kuya Ken? Hindi naman niya kasi sinabi kung lalaki o babae e. Haha! Yung lalaki siguro.. tapos girlfriend nung lalaki yung babae? Tama ba? @.@

"Tristan.. meet my sister, Phoebe."

Aah, yung babae pala kapatid nya. Akala ko naman yung lalaki. Pero teka, ano sabi nya? Familiar yata..

"Phoebe??" San ko nga ba narinig yun?

"Yes? Ba....kit.."

WATDA??!

Phoebe and Tristan: IKAW???!!!

-----------------------------------------------------------------------

Maikling update lang. POV ni Tristan :) haha! ang galing ng pagkakataon oh. Couple pala yung mga kapatid nila. Tadhana nga naman. Haha!

Thanks for reading! :*

 

Love. Love. Love. <3

-- princesscj27

Who's the one for me?Where stories live. Discover now