Chapter 22 Tic Tac Toe/ Assignment.

79 4 0
  • Đã dành riêng cho daymae
                                    

Chapter 22

----- Phoebe's POV

Nakatunganga lang ako at parang ewan na nakatingin lang sa kisame habang nakaupo.

Tss. Bat kasi masyado napaaga yung pasok namin ngayon eh. Kainis.

Eto namang si Tristan, ayun. Walang inatupag kundi magbasa nanaman. 

Buti pa sya may ginagawa .. Eh ako? NGANGA. 

Napatingin ako sa mga kaklase namin, buti pa yung iba may kausap, buti pa sila may kaclose na. Ako? Wala man lang bang kakausap saken? ayoko naman kasing masabihan ako ng FC eh..

as in Feeling Close ha.

Badtrip. Nasan na ba si Dave? Adik nun, baka late nanaman. Minsan kasi late talaga kumilos yun nung Hayskul palang kami eh. Pero bakit nitong mga nakaraan, maaga naman sya. Tulad nung nagpunta kami nun sa Starbucks.. nung enrolan.. tska kahapon. Don't tell me, bumabalik nanaman ang pagiging mabagal nyang kumilos?

AAAAHHHHH! BOREDOM STRIKES!

WALANG MAGAWA >____<

Nilabas ko nalang yung cellphone ko.

Hala! Lobat. Hindi ko ba to nacharge? Err..

No choice.

"Tristan!"

"Oh?" tanong niya habang nakatingin sa binabasa niya.

"Peram CP. Lobat akin eh."

"At baket ko ipapahiram sayo?" sabi nya na lumingon na sa aken.

"Palaro ng games. Naboboring ako."

"Oh edi maglaro nalang tayo." sabi niya at binaba sa desk niya yung libro.

"Geh nga, anong lalaruin natin?"

"Bahay-bahayan?" sabi niya ng nakangisi.

"Sige, ako amo, ikaw aso."

"Grabe ka naman, binibiro ka lang naman eh. Eto oh." sabi niya at naglabas ng papel at ballpen.

"Ano yan?" pano kasi nagddrawing siya ng guhit guhit.

"Ano pa? Edi maglalaro tayo ng Tic Tac Toe." sabi niya at lumipat sa upuan sa tabi ko.

"Oh I see.. sige sige." yes! may mapaglilibangan na rin ^____^

"Pero kailangan may challenge para exciting. Unang maka-limang panalo, pwedeng utusan yung natalo."

"Okay Deal !"

So naglaro na kami , naglagay ako ng X, tapos siya naman O. salit-salitan lang kami hanggang sa..

ayun, nanalo siya. T___T

"Isa pa!" aya ko.

Aba! Hindi ako dapat magpatalo. So, naglaro ulit kami. Umpisa palang naman Phoebe, may chance ka pa.. Kaya mo yan. Go go go! Fight Fight Fight! Aja!

Pero bigo, nanalo nanaman siya.

"Asar! Isa pa ulet!"

OMG.Kailangan kong mag-isip ng mabuti.

And again, talo nanaman ako. =____=

"ISA PA! BABAWI AKO!"

Tumatawa lang siya habang ako halos umusok na yung ilong sa inis.

"At nagawa mo pang tumawa huh. Game na!!"

Pero..

" Ang daya naman eh!" sabi ko nung nanalo ulit siya. "Nanadya ka talaga noh. Bat ang galing mo dito?!"

Who's the one for me?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ