Chapter 25 Amazona

105 5 2
                                    

Chapter 25

----- Phoebe's POV

Ang bilis ng araw, sabado na agad ngayon. Okay naman ang 1st week ng pagiging kolehiyo ko kahit papano. Kaya lang may masaklap na nangyari eh.. 

Kung ano yun?

BASTA!! >___<

*I'm at a payphone, trying to call home. All of my change, I spent on you.~*

Biglang tumunog yung cellphone ko. Oha! Sosyal hindi na basta kring kring Lang ang ringtone ko.

"Asan na kayo? Bang tagal naman."

("Wow. Hello din sayo best. Papunta na kami, sorry naman.")

"Hula ko.. naghintay sayo si Loraine noh?"

(Wow ulet. Pano mo nalaman?") Sabay tawa nya ng mahina.

Tssk.. Talaga to oh =___=

"Ikaw Best ha, bumabalik ka nanaman sa pagiging ganyan." Pagsusungit ko sa kanya.

("Saan?")

"Sa pagiging late kumilos, tssk. Bilisan nyo na nga. Hindi ka na nahiya kay Loraine."

("Sorry na nga e. Eto na nakasakay na kami tricycle. Babay!")

"K." sabi ko at inend call ko na.

Baliw talaga yun. Babae yung si Loraine tas pinaghihintay. Lagot talaga yun saken mamaya.

"Oy." Paglingon ko kung sino, si Tristan.

"What?!"

"Oh. Ang sungit mo nanaman. Itatanong ko lang naman kung papunta na ba sila e."

"Oo ! Paparating na." Sabi ko at lumabas para pumuntang Terrace.

Kailangan kong magpahangin..

"Meron ka ba ngayon? Ang aga aga eh ganyan ka." Sabi niya .

Sumunod saken. Epal =___=

"Bat ka nanaman nandito?!" Hahampasin ko sana siya ng pigilan nya yung kamay ko.

"Oh oh oh! Wala naman ako ginagawa sayo ah. Magkasalubong nanaman yang kilay mo tapos nakakunot yang noo mo. Kita mo, tatanda ka agad nyan." Sabi nya. Binaba ko nalang ng padabog yung kamay ko.

"KAYO KASI EH. EPAL." 

"Ano nanaman?" Tapos tumawa sya ng mahina.

"Bakit nyo ko binoto bilang Class President?! Kasalanan nyo yun ni Best eh, pinagplanuhan nyo yun  noh?! Ayan tuloy." Sabi ko at binatukan ko siya.

HUH! Hindi siya nakaiwas buti nga!

"Araaay! Sadist as ever." Sabi nya sabay hipo dun sa part ng ulo nya na binatukan ko.

"ANO!?? May sinasabi ka??!"

"Wala. Sabi ko nandito naman ako para tulungan ka eh, naman kasi, ayan! Vice President tuloy ako." Sabi nya ng naiinis.

"Huh! Dapat lang yun sayo. Pero kay Best hinde pa ko nakakaganti. Humanda yun saken."

Si Ma'am Cess kasi, nung nagbobotohan ng Secretary, tumataas ako ng kamay ayaw akong tawagin. pagbigyan naman daw kasi namin yung iba. Ayan tuloy. Hindi ako nagkaron ng chance iboto si Best =___=

"Oh. Ayan na nga sila e." Turo nya sa gate at nakita namin si Loraine at Dave.

Tumakbo agad ako dun at binati si Loraine.

"Hi Loraine!" sabay bigay ko sa kanya ng napakatamis na ngiti.

Si Best din naman binigyan ko..

.. ng isang malakas na sapok.

Who's the one for me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon