Twelve

98 6 3
                                    

Dylan


NNL.

Parang nabuhayan ako ng loob. Nathalie Nichole Lopez.. buong pangalan ni Nathalie. Tumakbo ako pababa para hanapin siya.  Halos naikot ko na yung buong airport, pero hindi ko siya mahanap. Nakakapanglumo.. parang binigyan ako ng pag-asa na buhay pa yung babaeng mahal ko, pero ngayon hindi ko siya mahanap! Wala ba siyang bagahe?

Teka, bagahe! Yung bagahe ko! Di ko pa nakukuha!

Dali dali akong tumakbo kung saan nilalapag yung mga bagahe, nagbabakasakaling nandoon siya. At tama nga ako, nakatayo siya dun at hinihintay ang bagahe niya. Tumakbo agad ako sa pwesto niya at kinalabit siya. 

"Miss, you forgot your handkerchief." sabi ko at inangat niya ang shades niya. Binigyan niya ko ng napakataray na tingin at biglang tinaas ang kanang kilay niya. Tss, ang taray talaga. Ibang iba siya kay Nathalie.

"Thank you." matipid na sagot nito. Nakita kong may namuong maliit na ngiti sa labi niya na ikinatuwa ko. Kamukhang kamukha niya talaga si Nathalie.

"And why are you staring at me?" bigla namang napawi yung ngiti niyang yun at napalitan nanaman ng masungit na mukha. Habit niya ba talagang magsungit sa mga gwapong katulad ko? Naiinis ako. 

"Uh, I'm sorry. You just remind me of someone. You look exactly like her. Mas masungit ka nga lang at laging nakakunot ang noo." binulong ko yung huli kong sinabi pero sa tingin ko narinig niya dahil agad napakunot lalo ang noo nito at nanlisik ang mata. "Ah, by the way I'm–-" 

"Dylan Dale Legaspi," naputol ang sinabi ko ng bigla siyang nagsalita. T-teka, kilala niya ako?  Natulala akong bigla at tinignan yung mga mata niya. "Nag-iisang tagapagmana ng White Crown Companies, I'm Nichole, with an 'H'" inabot niya ang kamay kong kanina pa nakaabot at nakipagshake hands siya. "..Nichole L––" natigil naman siya sa pagsasalita at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ko nang biglang may lalaking tumabi sa kanya at nagsalita.

"Hey, let's go. Baka malate pa tayo sa seminar mo." sabi ng isang halos kasing tangkad ko lang at singkit. Mukhang siya yung kausap niya kanina sa eroplano na tinawag niyang "Oppa". Nakita kong sumungit ulit ang mukha nito at tumingin sa akin. "Nice meeting you, see you later." tumalikod siya bigla at nakita kong umikot ang mga mata nito. Tss, akala ko pa naman bumait na. Masungit pa rin pala.

Narinig kong nag-usap pa sila ng kuya niya pag-alis nito. Pero hindi ko na maintindihan dahil palayo na sila. Bukod sa Korean na ang language ay para silang pabulong na sumisigaw. Tss. Hininayaan ko na sila at kinuha ko na ang maleta ko. Napatingin naman ako agad sa kamay ko na hinawakan niya. Napangiti nalang ako.

May parte sakin na natutuwa dahil Nichole ang pangalan niya. Pero parang kilala niya lang ako dahil sa business namin? Nagkakutob ako na baka siya si Nathalie.. pero bat ganun? Wala ba siyang maalala? Bakit ang sungit niya sakin? Galit ba siya sakin dahil si Yvonne ang pinili ko? Sana naman hindi..

"Hindi ka niya kilala, di ka mahal no'n." biglang nagsalita yung nasa harap ko. Hindi ko namalayang nasa labas na pala ako ng airport at may nakaabang saking lalaking mukhang unggoy na nakasandal sa kotse ko. "Ang tagal mo, para ka pang nakakita ng multo."

"Gago, Mike." sabi ko at umupo ako sa shot gun seat. Pumasok na rin siya at siya ang magddrive.

"Wow, sungit naman po. Ano? Nakita mo ba yung hinahanap mo sa Korea?"

"Hindi ako pumunta ng Korea para hanapin si Nathalie, pumunta ako dun para matuto."

"Sus, kala mo nakamove on na. Bakit pre? May girlfriend ka na?" bigla naman napatawa ang loko. Tangina neto. "Pakyu." sagot ko rito at lalo pang lumakas ang tawa niya.

Still Into YouWhere stories live. Discover now