Chapter 8 : A token of gratitude

4.1K 147 9
                                    

## Chapter 8 : A token of gratitude ##

>Vince's POV<

Dahil hindi naman nag-set ng tutorial si baklang bwisit kaya naisipan ko na lang pumunta sa mall malapit sa school.

Kung sa tingin nyo napaka-gay ng pag-mall para sa isang lalaki huwag nyo akong husgahan. Hindi ako nandito para mag-shopping. Nandito ako para mag-arcades.

Doon lang naman ako nakakahanap ng peace of mind e. At least doon walang mga bwisit sa buhay ko.

Ang ayoko lang e ung paglalakad ko na lang pinapansin pa ng mga tao.

"Ang gwapo naman nun."

"May GF na kaya?"

"Mukhang model e. Kunin natin number"

Hina-hinaan nyo naman ang boses nyo kasi hindi naman obvious na ako pinaguusapan nyo.

Hays. Ayoko talaga ng attention masyado. Pero dahil sikat na grupo namin sa school siguro kailangan ko nang masanay. Si Lord kasi binigyan ako ng gwapong mukha e. (sinisi ba naman si Lord?)

Dumiretso na ko sa arcades tutal wala naman na akong iba pang gagawin sa mall na to.

Buti kakaunti lang tao ngayon. Weekday kasi kaya karamihan sa tao may pasok. Buti na lang free day ko.

Solo ko ang arcades.

Pagkabili ko ng sandamutak na token umupo na ako sa unang game machine - Tekken.

Favorite game ko to. Adik na adik ako dito nung elementary pa ko. Medyo natigil nga lang nung high school ako kasi running for honors nga ako.

Pero ngayong college na ako at malapit lang sa university ang mall baka mapapadalas ulit ang addiction ko.

-A new challenger has arrived-

Siguro nakakadalawang opponent pa lang ako ng biglang may nag-challenge sa kabilang machine. Hindi ko naman makita kung sino kasi nasa tapat ko. Ayoko namang tumayo baka sabihin nya interesado akong malaman kung sino sya.

Pumili na kami ng characters namin.

Ako: Jin.

Kalaban ko: Lili. (picture at the side.)

{Author's Note: Sa mga readers na hindi masyadong familiar sa arcades world pasensya na po. Pero kung interesado kayong malaman tingnan nyo na lang ung arcades section sa Quantum, Timezone etc. then hanapin nyo ung Tekken :))))}

Mukhang babae tong kalaban ko kasi babae rin ang ginamit nya. Haha. Easy win.

After three minutes..

You Lose.

Huh? Imposibleng natalo ako. Hindi maari. Mukhang minaliit ko masyado tong kalaban ko ha.

Nag-insert ulit ako ng token then ibang character naman pinili ko.

After three minutes..

You Lose.

Huh? Hindi pa ko nakakabawi ah. Arggghhhh Naiinis na ko dito at lagi akong natatalo. Tuloy ang laban oy!!! Hindi ako susuko hangga't hindi ako nakakabawi sayo kung sino ka man!!!

After thirty minutes..

You Lose.

You Lose.

You Lose.

Lili Wins.

Ok give up na ko. Mas magaling na sakin tong kalaban ko sa kabilang linya. Expert siguro to kay Lili kasi nakailang laban na kami hindi pa man lang sya nagpalit. Ako halos lahat ng cast nagamit ko na.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon