Pebrero

1K 18 2
                                    

Pebrero

Ang ikalawang buwan sa kalendaryo
Buwan kung kailan ipinagdidiriwang ang araw ng mga puso
Puso na kung matamaan ng pana ni Kupido
Ay wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Pag ang puso'y nagpasya
Ay tiyak ika'y sasaya
Hindi man naging madali ang naging pasya
Ngunit ang taong ito'y iyong pinapantasya.
Na iyong hinihiling gabi gabi sa mga tala na sana siya na ang tao na sa iyo'y itinakda

Tadhana pitong mga letra
Ngunit di mawari bakit ika'y napaka mahiwaga
Yung taong akala mo siya na ang sa iyo'y itinakda
Yun pala'y iyong pansamantala.

Ika nga sa kataga ng librong aking nabasa
Na obra ng isang napakaganda at napakahusay na si Binibining Mia
Tadhana nila'y maihahalintulad sa asimptota
"Ipinagtagpo ngunit hindi Itinadhana"
Totoo nga na tadhana ika'y napakamahiwaga.

Hiling ko bago ko tatapusin ang aking tula
Sana'y bawat tao sa mundo ay maligaya
Hindi mo man kasama ang tao na iyong hinihiling sa mga tala
Nais kong ika'y maging maligaya at mahanap ng iyong puso ang tunay na kahulugan ng salitang malaya.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon