EPILOGUE

254K 4.4K 1.6K
                                    

HALEY'S POV

5 years after...

"Railey, be careful. You might hurt your baby sister," saway ni Russell sa anak at inilayo ito.

Hinaplos niya ang maliit na umbok ng tiyan ko. I am on my fourth pregnancy. I had a miscarriage on the second. I thought spotting lang like when I was pregnant with Reese. Nag-out of town lang kami ni Russell. Pag-uwi namin, I was bleeding. Kaya naging mas protective si Russell sa akin ngayon.

"Hayaan mo siya. Naglalambing lang naman. Gusto lang sigurong makipaglaro." Ginulo ko ang buhok nito.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Railey. He's my mini me. At ganon din ang sabi ng iba.Walang nakuhang features kay Russell kahit isa. Sila ni Reese ang magkamukha.

"Let's play then." Kinarga niya ang anak namin.

Kinuha niya and PS3 na nakasabit sa leeg ni Railey gamit ang Spiderman na lanyard. At nagsimulang maglaro ang mag-ama na tila sila lang ang tao sa mundo.

Ang bilis ng panahon. Railey will turn three. At magkakaroon na ito ng baby sister. Kinabahan ako noon. After my miscarriage, akala ko hindi na ako magbubuntis pa ulit. Thank God for another baby girl. Gusto ko ng malaking pamilya. Dadalawa lang kasi kami ni Hans. Ganon din sina Russell at Ralph. I want four children.

Bata pa naman ako. Today is my 28th birthday. Russell prepared a private party for me. It was originally an out-of-town celebration, but that was before I found out that I'm pregnant. Russell won't allow me to travel kahit na pinayagan ako ng doctor at binigyan ako ng gamot. Same meds prescribed to me when I traveled to Spain when I was pregnant with Reese. Same situation, I had a spotting then.

My phone buzzed. At muntik akong mapatalon sa gulat. Nagulat si Russell sa reaksyon ko. Someone's calling. Sinagot ko ito.

"Hello, pangit!" bungad ng nasa kabilang linya.

Napangiti ako. At tinapunan ako ng tingin ni Russell. Curious siya kung sino ang kausap ko.

"Seth!" sinadya ko itong iparinig kay Russell.

Umirap siya at at ibinalik ang atensyon sa paglalaro. Alam kong hindi niya nagustuhan ang pagtawag ni Seth. Pero alam din niyang malaki ang naitulong ni Seth sa akin nung mga panahong nasa Paris ako. Kaya kahit hindi niya gusto si Seth, hindi niya ako pinagbawalan na kausapin ito.

"Happy birthday!"

At na-miss ko ang mokong na'to. The last time I saw him was before his wedding.

"Thank you." Nakuha ko pa ring magpasalamat kahit na inaasar ako.

"Ang tanda mo na!" dagdag pa nito.

Tumawa lang ako. Ayokong gumanti ng asar baka isipin ni Russell feeling close pa kami.

Then I heard a baby crying in the background.

"Sorry, I gotta go. Tatawag na lang ulit ako mamaya," sabi nito.

Napangiti ako. And I'm happy for him. Ilang years na rin silang kasal ng asawa niya, pero ngayon lang sila nagkaanak.

"Nasaan si Ivee," tanong ko.

"Nasa grocery."

Si Ivee ay isang avid fan ng banda nila. An obsessed fan, as I call it. At hindi ko akalain na ito ang magkakatuluyan ni Seth. He hated her. He thought she's flirt and cheap. And we lost contact for a while kaya hindi ko na nasubaybayan ang love life niya. Until one day, I got a invitation for their wedding. Nagulat ako, at the same time, masaya ako para sa kanya. Who would have thought? Well, no one knows one's destiny.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon