BOOK 1 Isang binata mula sa pamilyang Bayani. Isang ginoo na may karupukang taglay. Kasama ang isang kaibigan ay nagtungo sila sa malayong bayan. Ngunit dahil sa limot ay wala silang matuluyan kundi ang mismong tirahan ng kanyang kaibigan kung saan ang pamumuhay ay malayo sa kanyang kinagisnan. Isang lalaking marangya na napadpad sa lugar na walang matinong palikuran, ang lalaking marangya na mapapa-ibig sa dalagang maralita. Nagtagpo ang dalawang puso sa kapalpakang galawan. Malayang pag-iibigan ang malaking hangarin, ngunit ang sumusulat ng tadhana ang mismong humahadlang. Mga alaala na pilit pinagkakait sa kanya dahil ang kapalit ay ang kanyang buhay. Ang kwento ng pag-iibigan na paulit-ulit nauuwi sa trahedya, pero gagawin pa rin ang lahat para makabalik sa kanilang Happy Ending.
117 parts