Desiree Valerio, a beautiful 25 year-old woman who owns and runs a boutique named TheDesire is just perfectly happy and satisfied with her life. Iyon ay noong hindi pa sumusulpot ang bago at pagkalaki-laking building sa harap ng kanyang boutique. Department store daw ang malapit nang matapos na building. At malapit na rin daw itong magbukas upang makahabol sa nalalapit na Christmas holidays. Kaya naman walang pagsidlan ang kanyang pagkadismaya. Paano na lang ang kanyang TheDesire? May papasok pa kayang customer dito? Lalo na siyang nadismaya nang malamang ang may-ari pala ng department store na iyon ay walang iba kung hindi si James Nicolas, ang lalaking kauna-unahang nagpatibok ng kanyang puso ngunit kauna-unahan ding dumurog nito walong taon na ang nakalipas. Plain coincidence or this crazy thing called destiny is once again playing tricks on them?
29 parts