Paano kung ang sikat na sikat na bad boy na si Jeydon ng The Four Bad Boys and Me ay magkaroon ng pagtinggin sayo? Paano kung mas piliin ka ni Drake ng Seducing Drake Palma kesa kay Alys Perez? Paano kung kantahan ka sikat na mang-aawit na si Shiloah Suarez ni ate beeyotch? Paano kung ang isang babaerong Jasper Yu ang magseryoso sayo? At paano kung ang mga super hot na magpipinsang Montefalco ni ate Jonaxx ay maghabol sayo? Fictional Characters. Likha ng magagaling na author. Mga perpektong kalalakihan na kinahuhumalingan ng mga babaeng wattpader. Mga adik sa wattpad na naiinlove sa isang fictional character. Umaasa sa mga senaryong nagagawa sa kanilang imahinasyon. Paano kung... ang paborito mong fictional character ay magkatotoo? "Totoo ba to o panaginip lang ang lahat?"