Isang reunion ang dinaluhan ng 25 dating magkaklase sa high school sa isang private island. Ang akala nilang masayang bakasyon ay nauwi sa isang bangungot nang matagpuan nilang wala nang buhay ang isa sa mga kasamahan nila na duguang nakahandusay sa tabing-dagat at tadtad ng saksak ang katawan na animo'y ayaw nang buhayin pa ng pumatay dito. Kaya mo bang mabuhay sa islang kamatayan lang ang iyong kapalaran? Matatakasan mo pa kaya ang kindat niya na literal na pamatay? Sino sa kanila ang sa tingin mo'y tunay na pumapatay? Kaya mo kayang hulaan? Halina't basahin ang kwentong puno ng misteryo at kababalaghan. Sabay-sabay nating tuklasin kung sino nga ba sa kanila ang tunay na salarin. "When I winked at you, your death will follow."