"Ako si Yixshley Xysche Park." nakangiting banggit ng batang babae. "Ako naman si *boooom*" hindi natuloy ang sasabihin ng batang lalaki ng biglang may sumabog malapit sa kinatatayuan nila. Nagkahiwalay sila pero hinanap ng batang lalaki ang batang babae. Nang makita ito ay agad niya itong dinaluhan kahit may mga sugat rin siya, pero mas malala ang sa babae, kaya inakay niya ito. Nang makita ang ambulansya ay lumapit sila pero iisa nalang ang pupuwedeng sumakay kaya nagpaiwan nalang ang batang lalaki pero bago yun ay may ibinigay ang batang lalaki sa batang babae na isang kwintas- isang DRAGON necklace at binulungan. "Pangako, hahanapin kita Xysche. At sa pamamagitan ng kwintas na nasa iyo ang magiging patunay ko." Abangan...