'Azalea, ang pinangalan ko sa aking sarili.' Ginawa ko ang lahat makapasok lamang sa gusaling unang nakakuha ng aking pansin sa pagmulat ng aking mga mata. Sa pagtapak ko pa lamang sa hagdan patungo sa malaking pinto ng gusali, isang kakaibang pakiramdam ang aking naramdaman na hindi ko maipaliwanag. At sa pagtunghay ng aking mukha ay nakita ko ang lalaking magpapayanig ng aking mundo.