Chapter 1

47 1 0
                                    

"Antagal naman." naiinip na sabi ng katabi kong babae habang nagreretouch ng make-up.

Kanina pa siya angal ng angal kaya tiningnan ko ito at hindi ko maiwasang mapangiwi sa kapal ng kanyang make-up. Konti na lang at malapit na siyang magmukhang clown.

Maganda naman siya kaya bakit kailangan niya pa gumamit ng dekorasyon sa mukha?Kapag kaya inalis niya ang make-up niya, may kilay pa rin ba siya?

Humarap siya sa akin kaya napaayos ako ng upo. Pinasadahan niya ang buo kong katawan habang nakakunot ang kanyang kilay.

Unti-unting tumaas ang kanang kilay nito,"Gusto mo?" nakangiting tanong niya sa akin.

Sinulyapan ko ang lipstick niya na sobrang pula at halos pudpod na.

Hindi ako naglilipstick dahil ang pagkakaalam ko nakakaitim daw ito ng labi. And also I'm allergic to lipstick, nangangati at namamantal ang paligid ng aking labi.

Nagkibit-balikat na lamang ako at umiling, "No thanks."

"Aba. Dapat lang. Ang kapal ng mukha mo kapag humiram ka pa." inirapan niya ako at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Ngumuso na lamang ako sa sinabi niya at pinagsiklop ang aking kamay.

Ang lamig naman dito. Niyakap ko ang aking sarili bago tumingin sa unahan. Nalulula pa rin ako sa daming babae. Binilang ko sila kanina at sa palagay ko ay mahigit isang daan lahat kasama na ako doon.

Dahil wala akong magawa ngayon ay napagdesisyonan kong bilangin ang mga babae. Hindi ko sila mabilang ng ayos dahil maya't maya silang tatayo at papasok sa opisina, pero sinubukan ko pa rin at sa palagay ko ay mahigit apatnapu na lamang ang nakapila.

Kanina pa ako nanghihina dahil sa pinaghalong pabango ng mga babae tapos ang sakit pa sa mata ng mga magagara nilang suot na halos ang iba ay parang kinapos sa tela dahil kitang-kita na ang kanilang mga kaluluwa.

Pinasadahan ko ang suot kong damit. I'm wearing a red dress that makes me look sophisticated. Ang ikli niya din dahil hanggang kalahati ng hita ko but compare to those ladies over there, mas ayos na ito.

Sabi kasi ni Hazel, ang aking tinuturing kong napakabuting anghel, maganda daw ito.

Isang taon na ang nakakalipas simula nang makilala ko si Hazel sa unang araw na nagkamalay ako. Tanda ko noon naglalakad ako sa kalsada para maghanap ng pagkain dahil tumutunog na ang aking tiyan sa gutom at halos mamilipit ako sa sakit.

Mabuti na lamang at narinig kong may kumuha sa aking litrato and that person is none other than Hazel, she's actually a well-known photographer.

Pinakain at pinatira niya ako sa condo niya pero ang kapalit noon ay magiging modelo ako sa kanyang photoshoot.

Siya lang mag-isa ang nakatira doon. Ang pagkakaalam ko patay na ang kanyang mga magulang at wala siyang kapatid. Hindi ko na siya tinanong kung anong dahilan kung bakit sila namatay. Siguro siya na mismo ang magsasabi sa akin.

Unang kita ko pa lamang sa kanya ay magaan na ang loob ko dito. Nagsikap siya mag-isa upang makamit ang kanyang mga pangarap at gusto ko siyang tularan.

Kaya nandito ako ngayon at nag-aapply ng trabaho sa pinakasikat na kompanya, batay kay Hazel, ang Verity Corporation.

Gusto niyang magtrabaho dito pero hindi siya tinanggap. Sabi niya sa akin kailangan daw ng kompanya ang kasali sa Top 10 most Influential Photographer.

But sadly, hindi siya nakapasok sa Top 10 dahil nalate siya ng sumbit. And now, she's aiming to be the Top 1.

As her friend, I'm proud of what she is now.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devilish TortureWhere stories live. Discover now