Si Asteria Khan ay isang babaeng haciendera na naiwan sa pangangalaga ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. Siya ay mistisang dalaga dahil ang kanyang ama ay isang Indian at ang kanyang ina naman ay purong Filipina. Ulila na silang lubos ng kanyang kuya namatay kasi ang kanyang ina sa panganganak sa kanya at ang kanyang ama naman ay iniwan sila at sumama sa ibang babae kahit noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Mahal na mahal siya Ng kanyang kuya Kaya ginagawa nito ang lahat mabigyan lamang siya Ng magandang buhay at higit sa lahat ayaw na ayaw syang nakikitang nasasaktan dahil Kaya nitong pumatay Ng Tao para sa kanya. Isang araw na imbitahan sya Ng kanyang matalik na kaibigan para dumalo sa kasal nito na idaraos sa kanilang mansyon. Sa hindi inaasahang pangyayari doon nya makilala ang lalaking umagaw sa kanyang atensyon dahil palagi itong bumubuntot at sumusunod para magpapansin sa kanya saan man sya pumunta. Ito pala ay pinsan ng kanyang matalik na kaibigan. Sobrang Gwapo nito pero Hindi nya Ito gusto nung Una SA kadahilang nayayabangan sya dito. Si Adam Blake Heusaff ay nag iisang anak ng pinaka mayamang tao sa buong mundo. Lahat ng bagay ibinibigay at nakukuha nya kahit Hindi nya man ito hingiin. He is a happy go lucky person Kung saan sumasabay lamang sya sa agos ng kanyang buhay at pinapaubaya lahat sa tadhana. Nang dumalo sya sa kasal Ng kanyang pinsan sa ama Doon nya makikilala ang babaeng magpapasaya at magpapatibok sa kanyang puso sa unang pagkakataon. Kaya gagawin nya ang lahat upang maagaw ang atensyon nito ngunit mahigpit itong tinututulan Ng kanyang matapobreng ina sapagkat isa lamang itong hamak na haciendera. Ipaglalaban nya Kaya Ito kahit ang kapalit nun ay ang kanyang marangyang buhay na kinagisnan o ipapaubaya nalang lahat sa tadhana? Disclaimer: This story is written in Taglish