Hindi nila inaasahan ang paglusob na iyon ng mga tauhan ng Sentral, siyang natatanging bayan na nagtataglay ng pinakamayamang ekonomiya sa kanilang lalawigan. Ngunit ang mas hindi napaghandaan ni Allu ay ang pagdukot ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan. Wala mang plano ang nabuo sa kaniyang isipan, sumuong siya sa panganib mailigtas lamang ang mga ito.