Romero is king - king of advertising and the king of antics, King Kong, and he can't be any more proud of being that matsing. Nasa kanya na raw ang lahat. And he could only agree. Wala pa syang natatandaang ginusto nya na hindi nya nakuha. Tuloy, nag-aalala na ang tatay nya sa kinabukasan nya. But that, he couldn't understand. What's there to worry about a son that gets what he wants when, where and how he wants it? Responsable naman sya, mabait, at matulungin sa kapwa. Hindi lang din naman interes ng mga negosyante ang pinapahalagahan nya kundi pati ng mga kumokonsumo. Isa pa sya sa mga nangungunang providers ng employment sa bansa. Marami na syang napasikat at natupad na mga pangarap. Medyo naintindihan nya lang ang tatay nya nang dumating si Chloe sa buhay nya. Ang hirap pala, ang hirap pala kapag may gusto ka tapos nandyan lang, nakikita mo, nakakasama, nakakatabi mo pa pero hindi mo naman maabot kasi iba ang gusto, hindi ikaw, ang tigas pa ng ulo, hindi marunong sumuko. First time na nga nyang nahulog, ayaw pa syang saluhin. Ang hirap palang magbenta ng sarili. Ayaw nya sanang gamitin ang dormant skills nya bilang matsing, pero paano naman ang future nya?