Lagi akong dinadalaw ng multo ng mga nakaraan. Bintang mula sa kanyang mga kamag-anak, pagsisisi dahil ako ang huli niyang nakasama ngunit wala akong nagawa para pigilan sya sa gusto niyang gawin na magiging dahilan ng kanyang pagkawala. Hindi ko lubos akalain na iyon na ang huling araw na makikita ko syang buhay. Kung alam ko lang sana na sa gabing yun ay hindi ko na sya makikita kahit kailan, sana'y tinulungan ko sya.