Maagang namulat sa karahasan ng mundo at nakaranas ng pang-aabuso. Kung kaya't kumapit sa patalim at piniling mamuhay sa dilim. Katawan ay nagsilbing puhunan sa mundong ginagalawan. May pag-asa pa kayang magbago ang kaniyang buhay kahit pa aliw ang hanap ng mga tao sa kaniya? May darating pa kayang magliligtas sa putik na kinasadlakan? Ito'y kuwento ng isang babaeng tulog sa umaga, minsa'y nag-aaral din naman at gising sa gabi, madalas naghahanap buhay.