Ang pamilya ni Cielle ay piniling bumalik sa kanilang probinsya upang manirahan at upang doon na rin ito magpatuloy nang kanyang pag aaral, dito rin niya makikilalang muli si Kelvin na kanyang kababata na siya ring kanyang magiging kaklase. Nung una ay marami silang hindi pagkakasunduan dahil sa pagkakaiba ng kanilang pag uugali ngunit kalaunan ay magiging maganda ang kanilang samahan kasama ang kanilang mga kaibigan. Magiging malapit sila sa isa't isa, hanggang sa unting unting mapapansin ni Cielle na iba na ang kaniyang nararamdaman para kay Kelvin, dahil sa nagdadalaga pa lamang si Cielle ay medyo confused pa ito sa kanyang nararamdaman para sa kaibigan. Nagkaroon nang magandang opportunity ang pamilya ni Kelvin sa isang syudad kaya napagdesisyunan ng kanyang pamilya na lumipat doon at doon na manirahan, na siya ring ikinagalit ni Cielle kay Kelvin dahil nangako silang sabay silang magkokolehiyo sa isang unibersidad. Unti unting nagkalamat ang kanilang samahan hanggang sa tuluyan ng umalis si Kelvin. Makalipas ang ilang taon na walang komonikasyon kay muli silang magtatagpo.