it's been 5 years and I saw him again

11 1 0
                                    

CHAPTER ONE

"Ayoko!" saad ni Cielle sabay irap sa kaibigan niyang si Karen

"Cielle, sige na pleaseeee" saad naman ng kanyang kaibigan

"Eh, alam mo namang wala akong time sa ganyan, kaya niyo na 'yan" tinuon nito ang pansin sa librong binabasa

"Hindi ko na matandaan kung kailan ka huling sumama sa amin no, atsaka wala namang masama kung mag eenjoy ka paminsan minsan, para na rin makilala mo na si TJ"

Napatingin naman agad si Cielle sa kaibigan "Sino? Yung bago mong boyfriend? Sus 'di naman kayo magtatagal n'yan kaya 'wag na" ani nito sabay tawa

"Mag-oone month na kaya kami, kaya sumama ka na, pleaseeee" pamimilit nito

"Ayoko" matipid na sagot ni Cielle habang nagbabasa muli

Agad naman humakap sa braso ni Cielle ang kaibigan kaya napatingin ito sa kanya

"Pleaseeee, isasama ni TJ mga friends niya kaya dapat sumama ka rin" saad nito sabay pout

Napairap lang si Cielle at bahagyang nag isip

"Anong oras ba?" Tanong nito

Abot tenga naman ang ngiti ni Karen nang marinig ang tanong ng kaibigan.

"7:30 PM, 'wag kang male-late ok? Thank youuu sissy! Mwa!" saad nito sabay hablot sa kanyang sling bag patakbo

Naiwan namang mag isa si Cielle na napailing na lamang.

CIELLE'S POV

Ibinaba ko ang librong aking binabasa at tinanggal ang aking salamin, napabuntong hininga na lamang ako, inayos ko ang aking mga gamit sa aking lamesa at inilagay ang libro sa drawer nang makita ko ang mga lumang litrato, kinuha ko ito at tinitigan, inisa isa ko ito ang saya saya naming magkakaibigan dito, matagal tagal na rin pala kaming hindi nagkikita, may kaniya kaniya na rin kaming buhay ngayon, habang tinitignan ko ang mga ito ay nahulog ang isa pang litrato kaya agad ko naman itong pinulot, picture pala namin ito ni Kelvin, ito ang huling picture naming dalawa noong grumaduate kami sa senior high school.

"Salbahe ka" bulong ko sa sarili

Hindi na siya nagparamdam sa akin magmula nung lumipat ang kanilang pamilya sa siyudad, duon na rin ito nag aral. *Pout*

Siguro masyado akong naging masama nung gabing 'yon, kaya siguro sa limang taong lumipas ni hindi man lang siya nagparamdam sa akin.

Naalala ko nung panahon na lumipat kami sa probinsya.

FLASHBACK

SUMMER 2014

*KNOCK* *KNOCK* Katok ni mama sa pinto ng aking bagong kuwarto

"Cielle!! Bilisan mo na mag ayos ng gamit d'yan at bumaba ka na, kakain na tayo!"

"Opo ma, bababa na po!" Saad ko habang inaayos ang karton karton na aking mga gamit

Agad naman akong bumaba dahil paniguradong mapapagalitan ako ni mama kapag nagtagal pa ako

Nakita ko sila ni papa sa dining area na nag aayos ng aming makakain

"Wow ang dami namang pagkain, mauubos po ba natin 'to?" Tanong ko

"Dadating ang Uncle Jack mo kasama ang pamilya niya para tulungan tayo sa pag aayos ng gamit" sagot ni papa

"Uncle Jack?" Napaisip ako

"Oo, nakita mo na sila noon nung minsan tayong dumalaw dito" sagot naman ni mama

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight RainWhere stories live. Discover now