Anim na taon siyang nawala at hindi makita maging ng mga pulis. Idineklara siyang patay at naging dahilan iyon para mawala sa sarili ang pinakamamahal niyang ina. Ngunit isang araw ay muli siyang nagbalik. At sa pagbabalik niya ay delubyo at bangungot ang dala niya para sa mga taong naging dahilan ng miserableng buhay niya at ng kanyang pamilya. Ngunit maiibsan ba talaga ng paghihiganti ang galit at poot ng isa? Magagamot ba nito ang sugat na dala ng nakaraan na sinira ng iba? Subaybayan ang kwento ni Abigail, at tignan natin ang magiging resulta ng mga plano niya.