Hindi uso kay Kaye ang salitang MOVE ON. Sa nakalipas na tatlong taon ay bitter sya sa break up nila ni Dominic. Well sa dami ng hirap na pinagdaanan nya ay may karapatan naman yata talaga syang maging bitter. Kaya ang drama nya, iwasan lahat ng balak dumiskarte sa kanya. Enter Eri Centeno, isang sikat na cosplayer na balak dumiskarte sa kanya, as usual hindi sya pumayag. Kahit pa nga cute ito at napapanganga sya sa ngiti nito. Until one day, bigla na lang nagbalik ang nakaraan nya, sign na ba 'yon na dapat na nyang balikan si Dominic? o sign para matutunan na nya na mag-move on at bigyan ng pagkakataon ang iba?