Si Severine Leviste ay isang independent woman na nagtatrabaho bilang isang wedding planner. Masaya siya kapag nakikita ang mga clients nyang satisfied sa trabaho niya. Minsan ay naiinggit siya sa relasyon nila dahil talagang halata kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Iniisip niya kung kailan kaya ang araw na mararanasan niyang umibig muli. Ang huling lalaking minahal niya kasi ay bigla nalang nawala at hindi na nagparamdam. Kahit matagal na siyang nakapagmove-on, hindi pa rin niya makakalimutan ang masasayang alaalang pinagsaluhan nila. Ngunit ang maayos at simpleng pamumuhay niya ay unti-unting magugulo sa pagdating ng isang taong bumalik sa kaniyang nakaraan. Ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya at huling nagwasak nito. Ang nakakagulat pa hindi siya bumalik para sakaniya. Bumalik siya para sa nalalapit niyang kasal at siya ang gustong kunin bilang wedding planner nito. "My cousin recommended you as my wedding planner." Anito. Natigilan siya at sandaling hindi nakapagsalita. "Oh sorry, I forgot to introduce myself." Inilahad niya ang kamay. "My name is Zade Vaughn De Silva. Nice to meet you, miss?" Wait, what is happening?