Kaya naman halos isumpa niya ang araw na nautusan siya ng bagong misyon ng reyna. Hindi siya makapaniwala na ang matigas, matapang at prangkang si Meda ay pinagpapabago ang pagkatao. Siya bilang si Freya, ang mabait, mahinhin at masipag sa mga gawaing pambabae na kailangang mag-aruga, kumalinga at magmahal bilang yaya ng batang may kinalaman sa kaniyang misyon. May nakalimutan siyang itanong sa reyna, nais niyang malaman kung kasama ba sa plano ang arugain, kalingain at mahalin ang tatay ng batang kaniyang inaalagaan. Ang matikas at gwapong Mayor ng San Matias. Ang gwapong si Mayor Vince Eugene Ilustre.