CHAPTER 16 🔥

422 14 4
                                    


"Manang sama ka?" tila naalimpungatan ako sa tanong ni Jessica. "Tamang tama, nakaligo ka na, pwede ka rin naman sigurong sumama sa amin." Dagdag pa niya

"Saan?" sabay na pinasadahan ang bihis ng dalagang kaharap, mukha siyang mamamasyal.

"Naku, sa dami ng iniisip mo manang, di mo man lang naalala iyong sinabi ko nang nakaraang araw." Naiiling pa niyang turan.

Nakita niyang nangunot ang aking noo kaya bahagya pang natawa si Jessica.

"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na magkakaroon ng soft opening yung bagong resort hotel sa kabayanan?" imporma pa niya

Tatango tango ako.

"Pinayagan kasi kami ni Mayor na makapasyal roon." Kinikilig niya pang saad.

"Eh bakit parang inasinan ka riyan?"

"Hala, ang dami kayang artistang darating, manang Freya talaga, tumatandang dalaga, hindi man lang ma-excite sa mga ganoong bagay." Parang naririnig ko ang mga kaibigan ko sa pambubuska ng bruha sa akin.

"Baliw, eh sa wala naman kasi akong masyadong kilalang artista lalo na yung mga baguhan na papasikat." Pagkamot ko na lang sa aking ulo.

"Hmp, pero hindi naman talaga mga artista ang target kong makita roon." Medyo seryoso na ang itsura ng magandang dalaga.

"Sino palang gusto mong makita dun?" curious akong malaman.

"Teka lang manang ha?" sabay bunot niya sa wallet na nakasiksik sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Tingnan mo siya manang, ang gwapo niya no?" nangingisay ang katawan ni Jessica habang pinapakita ang larawan ng lalaking nakapaskil sa loob ng kaniyang pitaka.

Nais ko mang ngumiwi pero inaalala ko baka sumama ang loob niya sa magiging reaksyon ko.

"Ahhh, gwapo nga! Sino siya?" kunwa'y tanong ko.

"Hala! Wala ka talagang alam sa mga kilala at prominenteng tao sa paligid manang Freya!" kulang na lang ay lumundag ang mga eyeballs niya palabas ng kaniyang mata sa pagkagulat.

Lihim na lang akong natawa, ako pa talaga ang walang alam eh kapag nautusan ako ng reyna ay hindi aabot ng isang oras at makukuha ko ang mga impormasyon ng taong nais niyang malaman.

Madali ko ring ma-hacked ang mga private account ng mga kilalang indibidwal basta ba may consent at direktang uutusan ako ng nakatataas.

Umiling na lamang ako at nagkibit balikat.

"Yang lalaking yan ang aking love of my life, siya si Monti Dela Torre, ang pamilya niya ang may-ari ng pinakasikat at pinakamahal na ospital sa ating bansa, kilala rin ang banda niya at siya ang lead vocalist. Isa pa siyang magiting at gwapong opisyal na sundalo! Papakasalan niya ako balang araw." Kumikislap sa ningning ang kaniyang mga mata, ngayon ko lang nakita ang side ni Jessica na ganito pala kung magka-crush.

"Sinabi niya iyon?" nagtataka kong winika, naku Jessica masisira buhay mo, huwag na yang gag0ng yan!

"Sabi nung panaginip ko nung isang gabi!" nag-aalinlangan niyang tugon, nag peace sign at nakangisi.

Sabay na lang kaming natawa.

"Ang gwapo niya diba manang? Diba? Diba?" ang kulit lang eh!

"Oo na, gwapo na sya sobra!" natatawa ngunit naiiling ang ulo ko sa kakulitan ng babaeng to.

"Freya!" tila kulog na dumagundong ang boses ni mayor! Sabay kaming napatingala sa kinaroroonan ng aming amo, halos naroroon pa lang isa sa dulo ng hagdan sa ikalawang palapag pero abot ang boses nya sa lugar kung saan kami nagkukwentuhan ni Jess.

The GovernessWhere stories live. Discover now