Tulad ng rumaragasang agos ng tubig. Mahirap labanan ang mas lalong sumisidhing damdamin na kahit gaano pa katayog ang isang pader ay magagawa nitong tibagin. Gaano nga ba siya katigas at katatag para labanan ang sumisidhing damdamin? Nang sabihin ng inang kinakailangan niyang pakasalan at paibigin ang lalaking nagmula sa angkan ng mga taong kinasusuklaman nito para sa paghihiganti. Hindi maitanggi ng dalaga ang kakaibang atraksyong nararamdaman para sa lalaki. Hindi niya malaman kung ang kakaiba at nakakaakit na asul na mga mata ba nito ang unang pumukaw ng atensyon niya nang unang magtagpo ang mga tingin nila o kung may iba pang mas malalim doon. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba para sa sarili. She knew that marrying him for revenge is not a good idea. Itanggi man niya ay may kung ano sa puso niya ang pumipigil sa kaniyang sumunod sa nais ng ina. Panahon na ba para piliin naman niya ang sariling kaligayahan? Subalit, pilit mang takasan ni Ysabelle ang tadhana niya. Her fate keeps pulling her back to where she truly belongs and she has no other choice but to go with the flow. Paano kung imbis na tangayin siya ng rumaragasang damdamin papalayo sa lalaki ay matagpuan niya na lamang ang sarili sa mga braso nito? Will she choose to run again? Or... Embrace him and let herself sway in the wave of her overflowing attraction towards the man? [ Book cover background photo isn't mine, credits to the righteous owner.]