Anong gagawin mo kung sarili mong pamilya ay nagsinungaling sayo? Mapapatawad mo pa ba? Magagalit ka ba? Dadalhin mo ba buong buhay mo ang galit at sakit o kalimutan nalang lahat? Sino ang pakikinggan kung lahat ay gusto ng magsalita. Sino ang paniniwalaan, ang pamilya o ang taong matagal na sana niyang gustong makasama? Simula palang nong isilang ka ay hangad mo na ang buong pamilya ngunit iba ang iyong nasilayan at ito'y pagtataksil. Ang kompletong pamilya na gusto mong makamit ay may humadlang pala. Siya si Alexis Zia Andrea Martinez na pinaniniwala sa isang balikwas na katotohanan. Hindi man naging buo ang pamilya ngunit mayroon naman siyang totoong kaibigan na handang tumulong sa kanya.
5 parts