Mula nang mabigo si Sami sa pag-ibig ay ginuwardiyahan niya na ang puso niya. She changed her perspectives in life and even changed herself. Lahat ng iyon dahil ayaw niya nang maulit ang ginawa sa kanya ng ex niyang si Matt Loyzaga, ang lalaking paasa. Subalit tila mababalewala lamang ang lahat ng efforts niya dahil pagkalipas ng tatalong taon mula nang maghiwalay sila ay bumalik ito sa buhay niya. At namangha siya sa sobrang kakapalan ng mukha nito nang muli itong magpa-cute at sumunud-sunod sa kanya na parang walang masamang namagitan sa kanila noon. Pero sa kabila ng iritasyon ni Sami sa pagsunud-sunod nito sa kanya ay muli namang naibalik niya ang lahat ng bagay na nawala sa sarili niya nang maghiwalay sila. Muli siyang naging masaya at nagkaroon ng buhay. Is love sweeter the second time around nga ba o isang pagkakamali lang ang bigyan itong muling makapasok sa buhay niya lalo na nang malaman niya ang totoong dahilan ng paglapit nito sa kanya? ---- ***To be published under PHR
13 parts