Naniniwala ka ba na sa dinami dami ng tao sa mundo ay may chance na meron kang kamukha na parang kakambal mo? ENNIA LAUREL Limang taon na ang nakakalipas simula ng maghiwalay sila ng halos tatlong taong nyang kasintahan na si Chris. Ipinagpalit sya nito sa mas sexy at maganda nitong katrabaho. Iniwan sya nito at sinabihan pa na wala ng magmamahal sakanya dahil mataba sya. Hindi sya nawawalan ng pagasa dahil alam nya na may isang taong nakalaan para sakanya. Na kaya syang mahalin at tanggapin. XYRUS DELA MERCED A business tycoon. A Widower. A father. 6 years ago ipinanganak ng asawa nyang si Heather ang anak nilang si Hendrix pero sa kasamaang palad ay binawian ito ng buhay pagkatapos isilang ang kanilang anak. Gumuho ang mundo ni Xyrus ng mawala ang pinakamamahal na asawa. Pinangako nya sa asawa na aalagaan at poprotektahan ang kanilang anak. Kaya nya bang pagsabayin ang pagiging single dad at pagiging kilalang businessman? Paano kung magtagpo ang landas nila? Pano kung kamukhang kamukha ni Ennia ang namatay asawa ni Xyrus? At idagdag pa dito na tinawag ng anak ni Xyrus si Ennia na mommy nito?