Alam mo ba yung pakiramdam na nabubuhay ka hindi para sa sarili mo kundi para sa sistemang ginagalawan mo?Naisip mo na ba kung para san ba yung buhay mo?Bakit ka nabubuhay? At para kanino at ano ang mga dahilan mo? Sa buhay ni Cesheen yan ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan. Pinagdadasal nya na sana mawala nalang sya sa mundo o kaya ay magkasakit. Ngunit pano kung dumating sa punto ni Cesheen na nahanap nya na ang saysay ng kanyang ninanais sa mundo,ngunit wala na syang oras.