Irene she wants to be married---and soon. Gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya bago pa siya mag twenty nine. But from the way things are going, mamamatay pa yata siyang virgin. Ang saklap! Hindi nakatulong ang pagbabalik sa village nila ang kanyang kababatang si William Ice Madrigal. Guwapo ito, mayaman, successful sa buhay. Ang payo pa ng isang kaibigan niya, kung talaga raw gusto niyang mag asawa na, ang lalaki na lang umano ang I seduce niya. As if marunong siyang mang-akit...at sa hitsura ng mokong na iyon, Baka siya pa ang maakit, ano!